read.cash Log in
@rosienne more from that month

Mga sanhi at bunga ng pangangalunya

Mapalad ang mga pamilyang may matibay na sandigan na ina at padre de pamilyang responsable at mapagmahal, mga anak na may ama at inang makakapitan sa oras ng pangangailangan ngunit paano naman ang mga anak na walang magulang at asawa dahil ang kanilang taong dapat kapitan ay nakahanap na ng ibang kasiyahan at kanlungan? Anu-ano nga ba ang maaring kahinatnan ng pamilyang naugnay sa ganitong problema? Isa-isahin natin ang mga masamang epekto nito sa buong sambahayan at kung anu-ano ang maaaring pinagmulan. Bakit nga ba nagagawa ng isang taong pagtaksilan ang kanyang asawa? Tukuyin muna natin ang mga sanhi o dahilan kung bakit naghahanap pa nang iba kahit may asawa na. Narito ang ilang dahilan na sinasabi nila kung bakit nagagawa ito ng karamihan. Kakulangan ng oras at atensyon ng kanilang asawa na nag-uudyok sa kanila upang maghanap ng atensyon ng iba. Tukso. Marami ang nakakaalam na mali at kasalanan ito sa batas ng tao at ng Diyos ngunit nagagawa nila dahil daw sa tukso. Maaring nauudyukan ka ng iyong mga barkada at ng demonyo na sumubok sa anyo ng masama katulad ng pangangalunya. Iresponsable, tamad at walang paninindigan kaya nagagawa na maghanap ng iba na akala nila ay magiging sagot na sa kanilang problema at pinagdadaanan. Nawawalan ng gana sa kapareha kaya naghahanap ng iba ng may mas kakayahan na mapasaya sila at maibigay ang kanilang pangangailangan Ito ay mga halimbawa na ginagawang dahilan ng mga taong nakakagawa ng kataksilan sa kanilang kinakasama at asawa. Ngunit maari sana itong maiwasan kung kayo ay magtutulungan upang mapanatiling mainit ang iyong pagsasama at pagmamahalan. Narito naman ang masamang epekto nito sa relasyon at pagsasama ng mag-asawa. Pagkakaroon ng matinding away sa tuwing magkikita at magkakaharap. Pagmumulan ng sakitang emosyal at pisikal. Labis na pagdaramdam, selos at poot sa iyong asawa. Maaring maisipan mo ring magtaksil at gumanti sa kanya. Kung mapapatawad mo man sya ay hindi mo na mapagkakatiwalaan ng husto dahil sa inyong naging karanasan. Lagi mo na siyang pagdududahan. At higit sa lahat ito ay maaring mauwi sa hiwalayan. Makakaranas ka ng depresyon dahil sa pagtataksil ng iyong mag-asawa. Mapapabayaan mo ang iyong sarili at lalo na ang iyong mga anak. Maaapektuhan ang pagsusustento at pinansyal na pangangailangan ng iyong tahanan. Ito ay maari ding mauwi sa karumal-dumal na krimen at pagpatay na sanhi at bunga ng paninibugho. Narito naman ang mga magiging epekto sa iyong mga anak ng iyong pangangalunya. Maaaring maapektuhan ang mental at emosyonal na kalusugan ng iyong mga anak. Pagtatanim ng galit at sama ng loob sa magulang na nagkasala. Pagmumulan ng pagiging rebelde ng iyong mga anak. Maaaring makasira sa pananaw sa buhay nila at pagpapahalaga sa pamilya. Maaring dumanas din sila ng depresyon dahil sa kawalan ng gabay ng mga magulang na dapat sana ay magkasama sa pagdidisiplina at pagpapalaki sa mga anak. Paano at ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pangangalunya? Maraming pwede pang mangyari kapag nakisama ka sa iyong asawa na nambabae o nanlalaki na. Kaya payo sa mag-asawa bago sila ikasal ay **magmahalan ng lubos at mangagtinginan sa isa't-isa**. **Ituring mo at mahalin mo ang iyong asawa na gaya ng iyong sarili. Kayo ay magiging isa. Alalahanin niyo ang mga sinumpaang pangako sa harap ng Diyos noong kayo ay nagsisimula pa lamang at nangarap at nangako na magsasama sa habambuhay. Huwag mong kakalimutan ang iyong responsibilidad sa iyong asawa. Mahalagang mapanatili ang init at lambing sa isa't-isa. Ang halik at yakap ay mabisang paraan upang matulungan mo ang iyong asawa na gumaan ang pakiramdam kapag sya ay may hinaharap na problema. Kapag ang iyong asawa ay galit huwag mo nang sabayan, manahimik ka na lamang. Matutong irespesto ang isa't-isa. Magpakumbaba at humingi ng tawad kapg ikaw ay nagkakasala sa kanya. Lagi kayong mag-uusap upang mapanatili ang magandang komunikasyon sa loon ng tahanan. Maging huwarang modelo kayo sa inyong mga anak upang mapalaki ninyo silang mabuti at marangal.** Lagi mong iisipin na gawin ang tama upang hindi ka magsisi sa bandang huli. Tingnan mo lagi ang iyong mga anak, sila ang labis na maapektuhan kapag kayong mag-asawa ay magkakaroon ng problema. Sila ang mas nakakaawa kapag sila ay lumaking kulang sa aruga at pagmamahal ng magulang. Huwag mong ipagpalit ang iyong pamilya sa panandaliang saya. Huwag kang maging makasarili. Mahalaga ang iyong katapatan. Like,upvote and subscribe. thanks! @rosienne

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.