Katarungan
*Hindi na bago sa kaalaman ng lahat na hindi pantay-pantay ang tingin ng tao pagdating sa hukuman. Maaring ang tao na dapat ay maparusahan ay magdiwang at ang taong walang kasalanan ay marurumihan at mababahiran ang kamay. Ano nga ba ang katarungan? Sa paanong paraan ito makakamit? Sa tamang paraan ba o sa paraan na gagamit ng dahas at pera?* Kahulugan ng katarungan Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa pagkakapantay-pantay o pagwawasto sa hukuman. Sinasaklaw nito ang pag Ito ang bagay na nais makamit ng isang taong napagbintangan na sya ay nagkasala at lumabag sa batas ng tao at lipunan. Bakit may mga taong hindi nakakamit ang hustisya? ***Kahirapan*** Dahil sa kasalatan at kakulangan sa pera ay hindi natutustusan ang mga pangangailangan upang mapawalang bisa ang isang kaso. Kapag mahirap ka ay mababa ang tsansa mong makamit ang hustisya at depende sa proseso sa inyong lipunan. ***Kulang sa koneksyon, hindi maimpluwensya at hindi kilalang tao sa lipunan*** Kadalasan sa mga taong hindi nagkakamit ng hustisya ay dahil hindi sila iginagalang dahil wala silang mataas na pangalan at katungkulan sa bayan. At ang mga mahihirap ang biktima sa ganitong uri ng sistema. Ang pagkakaroon ng koneksyon sa loob at labas na hukuman ay isang dahilan upang ang isang tao o nagkasala ay hindi mapatawan ng karampatang parusa. Kung ikaw ay walang koneksyon o kakayahan ay mas malaki ang iyong tyansa na hindi makamit ang minimithing hustisya. ***Kulang sa kaalaman sa batas*** Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa batas mabilis na mapaikot ang isang tao upang mapalabas na sya ang maysala. Maaari kang malinlang dahil sa kawalan mo ng kamuwangan sa iyong karapatan bilang isang mamamayan. ***Nababayaran*** Maaring nabayaran ang iyong abogado upang hindi ipanalo ang iyong kaso. At maaring ikaw mismo ang nabayaran upang akuin ang isang pagkakamali at pagkakasala at ang pera na ibibigay saiyo ay iiwanan mo sa iyong pamilya na labis na nangangailangan. ***Pagbabanta*** Maaring may nagaganap na pagbabanta sa pagitan ng suspek at biktima. Pagbabanta na maaaring pagpatay o gawan ng masama ang pamilya, kakilala o kaibigan. *Hindi lahat ng tao ay may kakayahan na magkamit ng katarungan o karampatang hustisya. Karamihan sa nagkakamit ng hustisya ay ang mga taong dapat sana ay sila ang napaparusahan. Gamit ang kanilang koneksyon at yaman napapawalang bisa nila ang mga nakahaing kaso at nababaliktad ang katotohanan. Masakit man isipin ngunit ito ay katotohanang hindi na magbabago kailanman. Mapalad ang mga taong may pera dahil sila ang nanalo at kinikilalang nararapat magkamit ng hustisya. Ngunit paano na lamang ang mga mahihirap na mamamayan na walang kakayahan na maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga mapang-abusong sangkatauhan? Nasaan na ang hustisya? Bakit hindi patas ang laban? Sadyang mapaglaro minsan ang tadhana ito ay dahil na rin sa ating panahon na laganap ang kasamaan at kasakiman. At ang pera ang ginagamit na sandata at panlaban upang magtagumpay sa bawat hamon ng buhay.* *Tayo ay nasa mundong ibabaw pa lamang at maaaring ang hustisya ay hindi pantay-pantay. Ngunit lagi nating iisipin na kung hindi man natin nakamit ang hustisya dito sa lupa ay makakamit natin ito sa langit. Ang Diyos lamang ang nakakakita ng lahat ng pangyayari sa mundong ibabaw. Siya ang nakakakita ng may malinis at maduming budhi at konsensya. Ang Diyos na ang bahala na magbigay ganti sa mga taong mapang-abuso sa kahinaan ng kanilang kapwa. Ang hatol ng Diyos ang tunay na hustisya para sa sangkatauhan. Lagi nating tatandaan na ang buhay natin dito sa mundong ibabaw ay pansamantala lamang.*
No comments yet