read.cash Log in
@rosienne more from that month

Kahalagahan ng pera sa pamumuhay

Gaano nga ba kahalaga ang pera sa buhay ng isang tao?Kung ating babalikan ang mga nkalipas na panahon hindi pa uso ang pera at tanging produkto lamang ang pinangbabayad ng mga sinaunang tao noon.Nagpapalitan sila ng produkto o mas kilala sa tawag na "barter".Ngunit sa paglipas ng maraming taon nalinang ang kakayahan ng mga tao at nagsimulang umusbong ang teknolohiya at nagsimula ng gumamit ng salapi bilang pambili at pamalit sa serbisyo at mga pangangailangan ng mga tao. Ating tukuyin ang kahalagahan ng pananalapi sa kasalukuyang panahon.Ang bawat sentimong iyong kinikita ay may kaakibat na hirap,pagod at pagtitiis kaya dapat lamang na matuto tayong magpahalaga sa bawat sentimong ating kinikita.Ang pera ay isa sa mga pangunahing pangangailangan sa ating panahon.Hindi tayo makakaraos ng isang araw na hindi nangangailangan ng pera.Narito ang ilang mga halimbawa ng mga bagay na may kinalaman sa kahalagahan ng pera sa araw araw. PAGKAIN-Ito ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao na may kaakibat na pinansyal na tugon.Sa mahal ng bilihin sa kasalukuyang panahon may iilan na nalilipasan ng gutom dahil na rin sa kahirapan at kasalatan sa buhay.Ngunit maari ka namang gumawa ng pansamantalang paraan para mapawi ang iyong gutom sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig.Makakatulong din ito para malinis ang iyong katawan at mabawasan ang mga chemicals na nakasama sa mga pagkain ng mga nakalipas na araw.Tumaas na din ang halos lahat na presyo ng mga pagkain tulad ng bigas,karne at gulay.Tatlong beses dapat kumain sa isang araw.Sa panahon natin ngayon kinakailangan tayong magtipid para matugunan din Ang iba pang pangangailangan. BAHAY-Mapalad ka kung ikaw ay may sarili ng bahay ngunit kung ikaw ay nangungupahan lamang mangangailangan ka pa ng buwanang kita para sa pambayad sa renta.Mahalagang komportable tayo sa ating tinitirhan at ligtas sa anumang sakuna. PANANAMIT-Hindi lang ito isang luho.Kailangan din natin ng maayos na pananamit araw-araw lalo na kung ikaw ay pumapasok sa trabaho. TUBIG,KURYENTE AT INTERNET-Napakahalaga ng tubig sa araw araw na gawain mapaloob o labas man ng bahay.Gayundin naman ang kuryente para mapadali ang ibang gawaing bahay.Ang internet ang isa sa mga nagbibigay daan para magkaroon ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya. Kinakailangapn ng magandang pagpaplano sa paghahati-hati para sa mga bayarin upang maiwasan ang diskoneksyon o pagpuputol.Para sa aming ordinaryong mamamayan ay hindi madali ang magsimpan para sa mga bayarin lalo na kung may hindi inaasahan na gastusin. EDUKASYON-Bagamat may libre o public school naman hindi nangangahulugan na hindi kana gagastos.Mangangailangan ang iyong anak ng lapis,papel,crayola at ballpen at marami pang ibang pangangailangan para sa mga proyekto na pinapagawa ng kanilang mga tagapagturo.Sa unang baitang ay magaan pa ang iyong gastusin.Ngunit pagdating ng hayskul at kolehiyo kailangan mo na rin ng pang tuition. ALLOWANCE-Hindi mawawala ang allowance mapatrabaho o eskwela man.Kailangan din ng ekstra budget para sa emergecy cases kung sakali man.Pambayad sa iyong transportasyon o sinakyan.Mahalaga na may bitbit ka kahit kaunting halaga kung ikaw ay lalabas ng bahay. EMERGENCY FUNDS-Hindi sa hinahangad natin ang bagay na ito ngunit mahalaga ng ikaw ay handa kung sakali man magkaroon ng biglaang pagkakagastusan.Sa panahon ngayon napakahirap na din mangutang at kung sakali man na mayroon kang malapitan kinakailangan mo rin agad bayaran at may interes pa kung minsan.Mahalaga na mayroon tayong madudukot lalo na sa ganitong sitwasyon.Hindi natin maiiwasan na magkaroon ng aberya kaya kailangan handa tayo sa mga bagay bagay. Ang mga nabanggit ko ay iilan lamang sa nangangailangan na pinansyal na tugon.Aminin man natin o hindi kailangan natin ng pera kahit saan man tayo magpunta.Hindi tayo makakarating sa ating patutunguhan kung wala tayong perang dala.Kaunting galaw mo lang kailangan mo agad maglabas ng pera.Pero hindi ito sukatan ng isang tao para lamang sya ay mabuhay.Kung kailangan natin ng pagkain para sa pisikal nating katawan mas higit na kailangan natin ang ispiritwal na pagkain para sa ating kaluluwa.Sapagkat ang langit ay ang lugar na hindi mo mabibili kahit ng bilyon pa.Hindi lang dapat ang pera ang dapat nating hanapin para mabugay dito sa mundong ibabaw.Hanapin din natin ang mga bagay na makakatulong sa atin para mabuhay ng walang hanggan sa langit.Dahil ang pera ay di natin madadala sa patutunguhan natin kapag tayo ay patay na.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.