read.cash Log in
@rosienne

@rosienne in April 2022

@rosienne

Maulang umaga Isang maulang umaga ng martes ang bumungad sa amin ngayon. Ilang linggo din ang lumipas bago umulan ulit. Kung para sa iba ay biyaya ang ulan sa akin naman ay hindi. Hindi maayos ang aming mga bubong at mga kisame kaya tuwing umuulan ay may tumutulo. Nangungupahan lang kami kaya nagtitiis kami sa ganitong sitwasyon. Hanggat hindi ito ipaayos ng may-ari ay titiisin namin ito hanggat andito kami. Ang sabi sa amin ng karpintero ay hindi na daw kayang tapalan ng…

@rosienne

Disadvantages ng malaking pamilya Ang pagkakaroon ng anak ay isang responsibilidad na pang-habambuhay. Once na naging magulang ka na wala ka ng kawala sa obligasyon na ito. Dito sa Pilipinas, walang policy sa pagkakaroon ng anak katulad sa ibang bansa. Ang pagkaka-alam ko sa bansang China ang mayroong 1 child policy. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay epektibo pa ang policy na yun sa kanilang bansa. Ang Pilipinas ay maliit na bansa lamang ngunit over-populated. Kaya…

@rosienne

Softdrinks Ang softdrinks ay inuming nakakapagpasaya sa tao dahil sa lasa at lamig nito. Napag-alaman ko na kaya ito na-imbento ay upang mabawasan ang drinking habit ng mga Amerikano. Inirekomenda ito bilang pamalit sa mga hard drinks katulad ng alak. Ngunit ang labis na pagkonsumo nito ay nakakasama sa kalusugan. Ang diabetes, obesity, kidney and liver problem at tooth decay ay ilan lamang sa masamang epekto nito sa ating katawan. Napag-alaman din na ang labis na pagkonsumo…

@rosienne

Anong uri ng kapit-bahay ka? Pag-usapan natin ngayon ang iba't-ibang uri ng kapit-bahay sa ating komunidad. Naisipan ko lang gawing article ito dahil naalala ko ang mga kapit-bahay ko sa probinsya namin sa Bicol. Halika at isa-isahin natin ang mga uri ng kapit-bahay natin. Masipag at Maagap Ikaw ba ang kapit-bahay na madaling araw pa lang ay gising na gising na? Nagwawalis na ng bakuran at nakapagluto na ng almusal? Sa probinsya, madaling araw pa lang ay marami ka ng…

@rosienne

Airdrop Hunting Another airdrop was ongoing right now and people in my Facebook group which I just joined recently were busy following back each other on Twitter. The airdrop required you to have at least 500 followers to claim the rewards. I was about to participate but suddenly when I am clicking the Connect your wallet button was not working. I already have 500+ followers and I am ready to claim the rewards anytime but an unusual thing happens. So here I am waiting to fix…

@rosienne

Bakit kailangan mong tanggapin ang iyong pagkakamali? Lahat naman tayo ay nagkakamali pero hindi lahat ay tanggap ang pagkakamali nila. Karamihan ay naghahanap ng butas o masisisi sa nagawa nilang kasalanan. Ngunit gaano nga ba kahalaga na matanggap mo sa iyong sarili na ikaw ay nagkamali at nakagawa ng hindi maganda? Ang isang mapagpakumbabang nilalang ay bukal sa kanyang kalooban na tanggapin ang kanyang pagkakamali at handang humingi ng kapatawaran sa nagawan nya ng…

@rosienne

Random thoughts Isang araw na naman ang lumipas na wala akong nagawang maayos na trabaho. Hindi ko natapos ang aking labahin at mga damit na kailangan itago. Yung iba kong nabiling damit isasama ko na din sa ibebenta ko kasi biglang di ko na gusto. Ewan ko ba nagandahan ako kaya ko binili pero ngayong nandito na sa akin bigla naman nagbago ang gusto ko sa damit. Ang hirap kasi kapag breastfeeding mom, di ako masyadong komportable sa mga damit ko ngayon. Gusto ko ng mga…

@rosienne

Nakakahilo at nakakalito Ito ang naramdaman ko noong sinimulan kong pasukin ang mundo ng crypto airdrop. Ang airdrop ay parang token giveaway ngunit kailangan mong sundin ang mga direksyon upang makamit mo ang iyong gantimpala. Para sa akin bilang baguhan sa airdrop ay sobrang nakakalito dahil marami pa akong hindi alam sa network at mga wallet address. Hindi ko alam ang tamang term na dapat kong gamitin kapag nagtatanong ako sa mga nagpopost ng airdrop sa group namin.…

@rosienne

Marupok na sisidlan Ang mga babae ay maituturing na marupok na sisidlan sapagkat madali lang kaming masaktan. Mapa-pisikal, mental at emosyonal man kami ay mahina kumpara sa mga lalaki. Kaya ipinag-uutos ng Diyos sa mga lalaki na mahalin ang kanilang asawa at huwag sasaktan. Mayroon mang mga babaeng matatapang ngunit sa pangkalahatang bilang ay mahina pa rin ang kanilang katawan kumpara sa katawan ng mga lalaki. Kaya dapat ay matutong pakundanganan ng mga lalaki ang kanilang…

@rosienne

Mapapagod ngunit hindi susuko Sino ba naman sa atin ang hindi napapagod? Wala diba? Kasi lahat tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad na dapat gampanan. Minsan dumarating sa punto na hirap na hirap kana at parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Kapag pinanghihinaan ka na mas dapat mong isipin ang mga tao sa paligid mo. Dapat maging selfless ka lalo na kapag magulang kana. Kailangan mong tatagan kasi may mga anak na umaasa saiyo. Ikaw ang mundo nila kaya dapat tatagan mo ang…

@rosienne

Probinsya Nasasabik akong masilayan muli ang tanawin sa aming probinsya. Malayong-malayo kung ikukumpara dito sa siyudad. Napaka-simple lamang ng buhay sa probinsya at tahimik. Maraming sariwang mga prutas at gulay, sariwa ang hangin at malalawak ang bukirin. Sagana sa mga root crops na nagiging pamalit sa bigas lalo na sa panahon ng tag-ulan. Nakakahalina ring pakinggan ang mga huni ng ibon sa paligid. Camarines Sur ang probinsyang aking pinagmulan kung saan mayaman sa pili…

@rosienne

Wow! Thank you @Talecharm for the sponsorship!😊😊😊

@rosienne

Wow! Thank you @Talecharm for the sponsorship!😊😊😊