Teenage Pregnancy Sa panahon ngayon pababa na ng pababa ang edad ng mga kababaihang nabubuntis. Ito ay isa sa masaklap na katotohanan, napakamurang edad pa lamang ngunit marami na sa kanila ay mayroon ng sariling anak. Ano nga ba ang kadalasang nagiging dahilan kung bakit ang isang batang babae ay nabubuntis ng maaga? Paano nga ba ito pwedeng maiwasan?Napakaraming dahilan kung bakit ito nangyayari. Narito sa baba ang mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang teenage…
@rosienne in March 2022
Good and bad debt Sa panahon ngayon, sino nga ba sa atin ang walang utang? Minsan nga kahit mayaman na ay nagkaka-utang pa rin. Bakit nga ba tayo nangungutang? Saan nga ba natin mas magandang mailaan ang ating uutangin at ano-ano nga ba ang mabuti at masamang maidudulot sa atin ng pangungutang? May 2 uri ng utang o debt 1.)Bad debt- Ito yung uri ng pangungutang na hindi naman gagamitin sa makabuluhang bagay. Mga selebrasyon tulad ng birthday, anniversary at iba pang uri ng…
Pagdisiplina sa anak Paano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa ating mga anak? Bawat magulang ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagdidisiplina sa kanilang mga anak upang maturuan ito ng tama at maging gabay sa kanilang paglaki. Ako bilang isang ina inaamin ko na mahirap talaga ang magdisiplina sa anak. Minsan hindi ko din alam ang gagawin ko upang mapasunod lamang ang aking anak. Naiiyak na lamang ako kasi napapalo ko siya minsan nasisigawan dahil gusto ko bilang isang ina na…
Having a child with comorbidities Mahirap sa isang magulang na makita ang kaniyang anak na may sakit o may dinaramdam. Nkakataranta, hindi ka mapalagay, hindi makatulog ng maayos at hindi halos makakain. Minsan nasasabi pa natin na sana tayo nalang ang may sakit huwag na sila. Ganyan tayong mga magulang. Pero paano kung ang anak mo ay ipinanganak na may sakit na talaga(inborn)multi-congenital disorder? Sa article na ito ibabahagi ng aking pinsan ang kanyang karanasan sa…
Doing Good Works Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay likas na sa mga tao. Minsan nga kahit wala namang kakayahan sa buhay kahit sa pinakamaliit na paraan lang upang makatulong sa kapwa ay gagawin niya. Maraming mga paraan upang tayo ay makatulong at makagawa ng mabuti dahil hindi lang naman sa pagbibigay ng pera o sa pagkain maipapakita ang pagtulong sa ating kapwa. Makakita ka lang ng isang matandang may mabigat na dalahin o akayin mo lang siya sa kaniyang pagtawid ay…
Respeto sa bawat isa Ang respeto sa bawat isa ay mahalaga, kung gusto mong respetuhin ka matuto ka ring irespeto ang iba.Isang mahalagang pag-uugali na dapat nating matutuhan dahil nagsisimula ang pagrespeto sa iyong sarili mismo. Bakit nga ba mahalaga ang respeto hindi lamang sayong sarili kundi maging sa ibang tao? Ano ba ang mahalagang bagay na magagawa nito sa ating buhay? Katulad ng pagmamahal, may iba't-ibang uri ng respeto na maaari mong ibigay sa iyong sarili, sa…
One of the happiest day in my life❤ Bawat tao may kani-kaniyang pinakamasayang araw sa buhay na hinding-hindi makakalimutan, yung tipong yung saya na iyong nararamdaman ay hindi mo maipaliwanag at kung san ito nanggagaling at di mo din alam kung paano mo pa ma e-express ang saya mo. Maraming beses ko din naramdaman ang kasiyahan na yun at ang isa sa pinaka masayang araw ng aking buhay ay ng magpakasal kami ng aking asawa. Kakaibang saya at excitement ang naramdaman ko noon…
Bullying Ang pambubully ay isang pang-aabuso o pangmamaltrato sa isang mahinang indibidwal o walang kakayahang ipaglaban ang sarili. Ito ay nakaka-apekto sa mental, pisikal at emosyonal na damdamin ng isang taong inaabuso. Malaki rin ang epekto nito sa araw-araw na buhay ng biktima. Madalas itong mangyari sa mga kabataan at estudyante kung saan may isang grupong nagkakasundo na abusuhin ang kanilang target o biktima. Maaring gawin nila ito sa pamamagitan ng pamamahiya,…
Walang katapusang problema Minsan nagtataka ako kung bakit hindi matapos-tapos ang problema natin. Yung tipong hindi mo pa nasosolusyunan yung isang problema tapos may dumating na naman na panibago. Tila kakambal na ng buhay natin ang problema. Lahat tayo ay may problema maliban na lang sa mga bata na wala pang alam gawin sa buhay kundi maglaro, kumain at manood lamang. Ang sarap maging bata diba? Minsan gusto ko na lang maging bata para walang problema. Kapag bata ka pa…
My day(March 16,2022) Isa na namang araw na puno ng pagsubok at walang katapusang gawaing bahay. Ganito talaga ang buhay ng isang nanay halos walang tigil kaka-ikot sa bahay. Linis dito, linis doon. Umaga pa lang abala na sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak at buong sambahayan. Maghuhugas at magliligpit ng pinagkainan, maglalaba at magbabantay sa mga anak. Halos wala ng oras para sa sarili ngunit sa kabila ng hirap at pagod ay may ngiti at liwanag na naghihintay.…
Hinanakit Paano nga ba dumadating sa punto na nagkakaroon tayo ng hinanakit sa ating kapwa at mahal sa buhay? Ano ang epekto nito sa mga tao sa ating paligid at sa ating sarili mismo? Ang pagkakaroon ng hinanakit ay ang mga bagay at salitang hindi mo masabi sa ibang tao lalo na sa taong dahil ng iyong mga di masabing saloobin. Maaring ito ay magmula sa pagkakaroon ng inggit o selos o di kaya naman ay mga bagay na hindi naa-appreciate ng mga tao sa iyong paligid at ang…
Kaibigan Sino at ano ang unang pumapasok sa inyong isipan kapag naririnig ang salitang kaibigan? Ano ba ang purpose nito sa buhay natin? Ang naalala ko sa tuwing naririnig ko ang salitang kaibigan ay ang mga taong nakasama ko noong ako ay bata pa hanggang sa ako ay nagdalaga. Sa sitwasyon ko noon ay hirap akong magkaroon ng kaibigan na masasandalan ngunit may bukod tanging tao na karamay ko sa tuwing ako ay labis na napipighati sa mga pangyayari sa aking buhay. Ang aking…
Pagkakaiba-iba Bakit kahit alam natin na magkakaiba tayo ay hindi natin maiwasan na ikumpara ang sarili natin sa ibang tao? Dapat nga maging normal na lang sa paningin natin ang pagkakaiba-iba ng bawat isa dahil ipinanganak tayo na sadyang hindi magkakapare-pareho. Mula sa ulo hanggang paa ay magkakaiba ang hugis, kulay at tindig natin. May mataba at payat, maganda at pangit, maitim at maputi. Magkakaiba din tayo ng estilo ng pamumuhay. Mayroon tayong kanya-kanyang…
My 4th week as an online seller There are a lot of things to consider once you decided to be an online seller. And I'm telling you that is not so easy but we have to go through the rough roads to be sharp and competent. I know it was hard at first but I didn't know that it was very hard. But now, I am willing to take the risk because I already started it. I asked my husband to support me to have courage and be confident as well. I needed someone like him to go with the flow.…
Paano nga ba mag-ipon? Isa sa napakahirap gawin ng isang ordinaryong empleyado ay ang mag-ipon. Minsan hindi pa sapat ang minimum na sahod para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan lalo na kapag pamilyadong tao ka pa at mayroong pinag-aaral na mga anak. Naranasan kong magtrabaho at mangupahan ng mag-isa. Napakahirap mag-budget dahil minsan kapos talaga. Sa sahod ko halos kakaunti na lamang ang natitira pagkatapos kong magbayad sa boarding house at maglaan ng para sa…
Overthinking Overthinking is when you think and worried about something or someone repeatedly. People who overthink may not be able to respond immediately when they are being questioned. They often struggle when it comes to decision-making. This is a bad habit. Overthinking does not do any good to anyone. You are not in your right mind when you overthink. Overthinking can't be defined as a mental health disorder but it was associated with anxiety and depression. It can…