Bukid
Nung bata pa ako naalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan namin grandparents ko at mga tito/tita ko. Araw araw nun gumigising kami ng maaga kasi maraming gagawin, tumutulong kami sa lola at lolo namin sa bukid. Sapag tatanin ng palay gulay prutas at pati pag aani narin. Araw-araw kami bumabalik balik sa taniman ng palay (kaingin namin) para magdamo. Nagtatanin din kami ng kamuti. Yung mga ginagawa naming yun sa pagtatanin sinasabayan namin ng laro kaya habang nakkaatulong kami nag eenjoy parin kamin bilang bata. Wala akong masasabi sa lolo at lola ko na nagpalaki sakin. Sobrang masisipag at matsatsaga talaga sila at mahal na mahal ko sila. Namimiss ko na nga sila. Hahay. Ganun paman nakakamiss talaga ang buhay sa bukid, bukod sa sariwang hangin at mga huni ng ibom maririnig mo sa umaga, wala pang stress. Ang saya at ang sarap mamuhay sa bukid.
5 comments
Gusto ko maranasan magtanim. Laking manila kasi. Mahirap ba?
Sakto lang po kapag nakasanayan na, lalo na kapag nag eenjoy kpo sa ginagawa mo.. Nasa manila nrin ako ngayon eh. Nakakamiss nga buhay probinsya
Di ko alam buhay probinsya, mukha lang masaya sakin kasi iba π pwede ka naman siguro bumalik pag pwede na bumyahe
Masaya talaga ang buhay sa bukid. Ako nga, thankful ako na sa bukid din lumaki kasi maraming bagay ang na experience ko at mga gawain na alam kong gawin compared dun sa mga lumaki sa city or bayan. Nakakamiss na din yung ganyan.
Totoo po sobrang nakakamiss talaga. Iba talaga kapag may experince o lumaki ka sa bukid. Dun kasi uso pa tulongan, yung bayanihan bang sinasabi. Kahit wla kang pera pwede ka magtrabaho tapos kapalit nun magtatrabaho kadin sakanila. D katulad dito, lahat ng kilos pera. Tsaka dun talagang sobrang linis ng hangin at di tulad dito sa manila. Tpos kapag kmgabi dun napaka lamig at ang ganda ganda ng mga tanawin sa probinsya.