read.cash Log in
@rkyL

Mulawin

Hi mga ka 90's, alam nyo ba ang palabas na mulawin na ginawa sa gma na pinagbibidahan ni angel locsis bilang alwina at richard gutierrez bilang aguiluz? Umamin kayo alam nyo to hehe. Una sa lahat gusto ko lang po ishare sa inyo itong mulawin na palabas kasi nung bata ako talagang isa to sa mga gustong gusto ko panuorin sa tv. Kapag yan na ang palabas kumakaripas na ako nun sa takbo kasi bawal ang may makaligtaan ako sa palabas. Aba kapag ito na palabas naku asahan nyo tutok na tutok na ako nyan sa tv. May pa gaya gaya pa ng sinasabi nila sa tv. Tapos yung kamay ginagawan pakpak para mukang mulawin at nag iimagine nakaka lipad talaga ahaha. Anlupet nitong palabas na ito, talaga namang kinaadikan ko. At dito po nag umpisa na humanga ako kina ms. Angel locsin (bilang alwina) at sir richard gutierrez (bilang aguiluz) nakakatuwa lang ang kabataan ko kasi ang gaganda pa ng mga palabas talaga nun. Pambata talaga haha. Dumating pa nga sa point na hanggang sa lro gingaya namin itong mulawin haha. Alam nyo po yung balahibo ng manok yung mahaba at makapal po. Haha, kunyari po itutusok namin yan sa likod namin o gulod tapos tapos kung yari nasasaktan tapos iiba na at magkaka pagpak na hahahah. Ansaya nungbkabataan ko po. Hanggang sa pagligo namin sa dagat nilalaro namin yan, kunyari kapag lulundag na kami nababalian kami ng pakpak haha. Dipo halatang adik na adik sa mulawin nun eh. Simula po nung mulawan lagi ko na pinapanuod yung mga palabas ni angel locsin at richard gutierrez po, naging idol ko talaga silang pareho ng sobra po. Panu ang gagwapo at gaganda na eh sobrang babait pa pong mga tao ng dalawa. Lahat ng palabas nila, action, horor, love story lagi ako nakasubaybay po. Sobrang nakaka kilig kapag silang dalawa ang loveteam po. Basta grabe yung chemistry nilang dalawa eh. Kahit nga di sila magkasama sa mga palabas pinapanuod ko pa rin po. Pero dumating sa point na umalis si ms. Angel sa gma at lumipat sya ng network. Nakakalungkot po yun para sa akin kasi syempre gusto ko lagi silang magkasama sa palabas pero wala naman po ako magagawa sa disesyon ng bawat isa lalo may nangyari po ata kaya lumipat si ms. Angel at dku alm kung anu dahilan hehe. Pero ganun man po kahit di sila magkasam na sa iisang network nakita ko din naman po na nag grow sila pareho. Nagkaroon sila ng ibat ibang palabas. Pero nakakalungkot talaga di sila magkasama eh haha. Medyo humina hina nadin si richard nun sa gma di tulad dati na andun si angel locsin sobrang sikat talaga nila pareho. Pero si ms. Angel naman sa abs dun talaga sya gumaling ng gumaling pa. At mas hingaan ko talaga sya dun, kasi kahit mag isa sya talagang kapag umarte sya talaga madadala ka eh. Sobrang galing lang talaga at napaka buting tao. Sakanila ata nag umpisa ang salitang "pinagtagpo pero hindi itinadhana" hehe At ito na po dumatin na din sa point na kumipat na si richard sa abs hahaha pinaka hihintay na ito, at una nga pong ginanapan nya yung sa la luna sangre,. Grabe wlang kupas ang kagwapohan eh, at ito pa ang pinaka inabangan ko talaga, halos araw araw talaga ako nag abang at nanuod ng palabas na laluna sangre nang dahil ki richard at angel nun. Grabe kahit di sila loveteam dun hahah nakaka kilig parin sila. Biruin mo nagkita palang ah pero nakaka kilig na at inabang na ng mga tao. Panu na kaya kung nagkaroon pa talaga sila ng palabas na magkasam diba. Chargel talaga walang kupas. Pero ito po ang problema, ngayon naman po ay nagsarado na ang kanilangbnetwork na abs-cbn. Sa dami po ba namang batas na di nila sinunuod dba po. Wla naman pong kasalanan ang mga artista dito, ang company po nila ang maraming violation dito kaya ok lang sakin na nagsara po sila kasi nga po batas ay batas. Mayaman kaman, malaki man ang company mo, nakakatiwang isipin na umeeral parin ang napaka gandang batas dito sa pinas sa tulong ng mga tapat na mambabatas. Napansin ko din na talagang ang bias po ng network nila lalo sa balita po. Sorry :( Mamimis ko chardgel ulit pero pasinsya na kayo batas ay batas po talaga. Share lang po :)

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.