"I love and support my President"

0 16
Avatar for rkyL
Written by
3 years ago

Salamat sa mahal na pangulong Duterte, kung di po kayo ang presidente namin ngayon dina alam kung anu na mangyayari sa Pilipinas ngayong pandemya. Baka lalo lumubog ang Pilipinas.. Salamat kasi totoo ka at may malasakit ka sa bansang Pilipinas at sa mamamayang Pilipino. Kung di po dahil sa inyo di malalaman o lalabas yung mga pangungurakot o pagnanakaw na matagal nang nangyayari.. Salamat sa lahat ng effort po.

Ibang iba ka po talaga sa lahat ng dumaang presidente ng Pilipinas.. Ikaw po yung may nagagawa pero hindi ipinagsisisgawan sa mundo kung anu mga nagawa mo. Di po tulad ng iba ng puro salita at pangako lamang po ang ibinigay, at puro kapalpakan....

Yung sa build build build po, kung iba po ang nanalo malamang di nila itutuloy yun. Kasi takot sila na kapag may nagawa sila maiisip parin ng mga tao yung dating nag daang administrasyon po. Pero iba ka! Tinuloy mo parin..

Wag ka po mag alala mahal na pangulo marami po kami sumusuporta sa inyo at naniniwala.. Hindi po kami magbubulag bulagan sa katotohanan. Alam namin na dika perpekto pero ginagawa mo ang lahat para sa ikabubuti ng lahat at ng basang Pilipinas.

Yung paging chill, totoo, ang pagiging joker nyo po, natural na po sa inyo yun at napaka cool nyo po dun :) kaya lang andaming galit po sayo sa pagiging ganun nyo, hayaan nalang po natin. Ayaw po kasi nila bukasan ang mga mata nila,. Di naman sa may galit po ako sa iba, ang akil po wag sana sila maging "bias" dapat tignan muna nila at kaliwa at kanan bago sila magsalita ng kung anu-ano. Magresearch muna po. Pero ganun paman ok lang yun. Sila naman may gusto nun. Kung sana sila masaya basta ako nakikita ko ang kabutihan ng Pangulo kayo suporta ko kay President duterte. At malaking pasasalamat kasi sya ang naging presidente.

Salamat tatay digong.. Masasabi ko po na ikaw ang dbest president na naabutan ko. Sa inyo ko lang po naramdaman yung totoong pagmamalasakit sa mamamayan ng bansang Pilipinas. Mahal na pangulo, nakakadurog po ng puso na makitang nasasaktan po kayo sa pagkawala ng mga taong walang kaalam alam na huling araw na pala nila iyon sa mundo. Ramdam na ramdam ko po yung dalamhati na nararamdaman ninyo. Mahal na pangulo, salamat po kasi kahit sa simpleng bagay ay nagbigay pugay ka sa kanila. Sigurado po na kahit nawala sila sa mundong to nakikita parin nila ang pagiging totoo nyo at pagmalasakit saknila at pagdalamhati. Malamang po masaya na sila dahil nagbigay pugay at nagpahati ng respeto sa kanila.. Kaya salamat po kahit pagod ka sa mraming bagay lalo ngayong pandemya ay dika parin nawawalan ng panahon para damayan sila sa nangyaring trahedya.

Sa mga nagsasabi po ng kung anu anu sa pangulo, masasabi ko lang po ay kunting respeto lang po. Wag naman po sobra na sinasabi na sya na gumawa ng gawain ng aso na k9 para sapag amoy ng bomba.. Pasensya na po. "Wag nyo po igaya sa inyo ang presidente na walang pagmamalasakit at pakialam sa ibang tao!"

nagsasabi lang po ako ng totoo wag nyo po sana masamain.

.

Mga idol, favor naman po 👇👇

Thank you! :)

2
$ 0.00
Sponsors of rkyL
empty
empty
empty
Avatar for rkyL
Written by
3 years ago

Comments