"Mahal Kita"
Di alam kung saan nag umpisa Inakalang laro lang sa kanya Ang salitang "Mahal Kita" Na bigla bigla na lang kung bitawan niya. Kinikilig habang nakikinig Mga tawang para bang yumayanig sa pusong nasasabik Na sana'y iyong marinig Tibok nito na nuon pa lang hindi na maikubli. Bawat sandali na kasama kita Parang nasa alapaap na Sinusulyap sulyap nang nangungusap na mga mata At biglaan, tinanong kita, "Bes, Maari ba?" Maari bang makita mo Makita ang sinisigaw nito Maari bang maging Ikaw at Ako Derityahan na binigkas ko. Ngunit ang sagot mo ay, "Hindi!" Hindi dahil sa nag aalangan ka Hindi dahil sa ayaw mo talaga Ngunit hindi dahil may iba na pala. Huminto ang mundo Nabato bigla ako nang marinig ang mga ito At mga katanungan ay ganito, "Bakit ngayon ko lang nalaman?" "Akala ko ba matalik kitang kaibigan?" "Paano nangyari? "Habang nahuhulog ako, may lihim ka palang hindi sinasabi?" "Bakit hinayaan mo lang ako?" "Bakit ganito?" Hindi ka na nakasagot Natamimi ka na lang, habang ako'y pinagmasdan Pinagmasdan habang luhaan At nang akma mo nang pahiran pasigaw na sabi ko'y, "Huwag mo akong hawakan!" Tumalikod at tumakbo Tumakbo palayo sayo Umaasa ang isip ko Na sa pagtakbo'y hahabulin mo Nasa malayo layo na'y huminto Tinanaw kita muli sa malayo Luha'y hindi mapatahan Ika'y yumuko lang tyaka lumakad palayo, dahan dahan. Ilang araw din kinimkim Nadaramang sakit hindi na mapigil Hanggang sa umabot na nang buwan ang lumipas Hindi na tayo napagbigyan na muli pang makapag-usap. Isang araw may balitang gumimbal sa aking paggising Wala ka na raw At sa susunod na linggo ang iyong libing. Mundo'y muling huminto Luha'y hindi napigilan pa na tumulo Malaking katanunga'y, "Anong nangyari?" "Paano nangyari?" habang bumabalakho. Pinuntahan kita sa iyong himlayan Pinagmasdan ang malamig mong katawan Iyong ina sa akin lumapit Isang kahon na dala'y, pinahawak sa akin nang mahigpit. Bilin mo raw sa iyong huling sandali Na iabot sa akin ang kahon Na naglalaman ng mga memorabilyang nabuo Nabuo mo habang kasama ako. Isang maliit pang kahon Na sa aki'y nakanakaw ng atensyon Isang singsing na may kalakip na sulat At para sa akin daw iyon. Kahit litong lito, pilit na binasa ang laman ng sulat mo At sa bahaging dulo nito, dalawang salita, ang nakita ko Salitang palaging sinasabi mo Sa mga panahong masaya pa tayo at walang paki alam sa mundo. Luha'y hindi na tumila pa Habang kinukuwento nang iyong ina Paghihirap mo habang nilalabanan ng mag isa Ang sakit na hindi ko man lang sinubukan makita. Pilit mo raw nilalabanan Ang bigat na dala nang karamdaman Nang sa gayon muli't muli iyong masilayan Ang mukha ko't muling mahawakan. Kahit kita na raw sa iyong mga mata Paghihirap na iyong dala dala Ang laging sambit mo raw ay, "Kaya Pa" Iniisip ako lagi, hanggang sa ikaw ay pumanaw na. Ginusto mo raw na ilaban pa ang lahat Nang sa aki'y ay makahingi nang tawad At buohin ang storya nating dalawa Ang storyang pinutol ko Nung pinili ko nang mapag isa. At ngayon, ano pa bang magagawa ko? Ngayo'y wala ka na sa tabi ko Magsisi man ako o kung ano Tanging ala ala mo na lang ang makakasama ko. Hanggang ngayon inis na inis ako sa sarili ko Bakit napamakasarili ko'ng tao? Hindi ko man lang nagawang kumustahin ka At namalayang katawan mo pala'y humihina na. "Bes, Patawad!" ang huling sambit ko Panghahawakan ang salitang "Mahal Kita" na tagubilin mo Isusuot ang singsing na iniwan mo Isang ala ala nang kahapong sinayang ko.
No comments yet