Di alam kung saan nag umpisa
Inakalang laro lang sa kanya
Ang salitang "Mahal Kita"
Na bigla bigla na lang kung bitawan niya.
Kinikilig habang nakikinig
Mga tawang para bang yumayanig sa pusong nasasabik
Na sana'y iyong marinig
Tibok nito na nuon pa lang hindi na maikubli.
Bawat sandali na kasama kita
Parang nasa alapaap na
Sinusulyap sulyap nang nangungusap na mga mata
At biglaan, tinanong kita, "Bes, Maari ba?"
Maari bang makita mo
Makita ang sinisigaw nito
Maari bang maging Ikaw at Ako
Derityahan na binigkas ko.
Ngunit ang sagot mo ay, "Hindi!"
Hindi dahil sa nag aalangan ka
Hindi dahil sa ayaw mo talaga
Ngunit hindi dahil may iba na pala.
Huminto ang mundo
Nabato bigla ako nang marinig ang mga ito
At mga katanungan ay ganito,
"Bakit ngayon ko lang nalaman?"
"Akala ko ba matalik kitang kaibigan?"
"Paano nangyari?
"Habang nahuhulog ako, may lihim ka palang hindi sinasabi?"
"Bakit hinayaan mo lang ako?"
"Bakit ganito?"
Hindi ka na nakasagot
Natamimi ka na lang, habang ako'y pinagmasdan
Pinagmasdan habang luhaan
At nang akma mo nang pahiran
pasigaw na sabi ko'y,
"Huwag mo akong hawakan!"
Tumalikod at tumakbo
Tumakbo palayo sayo
Umaasa ang isip ko
Na sa pagtakbo'y hahabulin mo
Nasa malayo layo na'y huminto
Tinanaw kita muli sa malayo
Luha'y hindi mapatahan
Ika'y yumuko lang tyaka lumakad palayo,
dahan dahan.
Ilang araw din kinimkim
Nadaramang sakit hindi na mapigil
Hanggang sa umabot na nang buwan ang lumipas
Hindi na tayo napagbigyan na muli pang makapag-usap.
Isang araw may balitang gumimbal sa aking paggising
Wala ka na raw
At sa susunod na linggo ang iyong libing.
Mundo'y muling huminto
Luha'y hindi napigilan pa na tumulo
Malaking katanunga'y, "Anong nangyari?"
"Paano nangyari?" habang bumabalakho.
Pinuntahan kita sa iyong himlayan
Pinagmasdan ang malamig mong katawan
Iyong ina sa akin lumapit
Isang kahon na dala'y, pinahawak sa akin nang mahigpit.
Bilin mo raw sa iyong huling sandali
Na iabot sa akin ang kahon
Na naglalaman ng mga memorabilyang nabuo
Nabuo mo habang kasama ako.
Isang maliit pang kahon
Na sa aki'y nakanakaw ng atensyon
Isang singsing na may kalakip na sulat
At para sa akin daw iyon.
Kahit litong lito, pilit na binasa ang laman ng sulat mo
At sa bahaging dulo nito,
dalawang salita, ang nakita ko
Salitang palaging sinasabi mo
Sa mga panahong masaya pa tayo at walang paki alam sa mundo.
Luha'y hindi na tumila pa
Habang kinukuwento nang iyong ina
Paghihirap mo habang nilalabanan ng mag isa
Ang sakit na hindi ko man lang sinubukan makita.
Pilit mo raw nilalabanan
Ang bigat na dala nang karamdaman
Nang sa gayon muli't muli iyong masilayan
Ang mukha ko't muling mahawakan.
Kahit kita na raw sa iyong mga mata
Paghihirap na iyong dala dala
Ang laging sambit mo raw ay, "Kaya Pa"
Iniisip ako lagi, hanggang sa ikaw ay pumanaw na.
Ginusto mo raw na ilaban pa ang lahat
Nang sa aki'y ay makahingi nang tawad
At buohin ang storya nating dalawa
Ang storyang pinutol ko
Nung pinili ko nang mapag isa.
At ngayon, ano pa bang magagawa ko?
Ngayo'y wala ka na sa tabi ko
Magsisi man ako o kung ano
Tanging ala ala mo na lang ang makakasama ko.
Hanggang ngayon inis na inis ako sa sarili ko
Bakit napamakasarili ko'ng tao?
Hindi ko man lang nagawang kumustahin ka
At namalayang katawan mo pala'y humihina na.
"Bes, Patawad!" ang huling sambit ko
Panghahawakan ang salitang "Mahal Kita" na tagubilin mo
Isusuot ang singsing na iniwan mo
Isang ala ala nang kahapong sinayang ko.