A Mother's Touch

4 22
Avatar for renren16
2 years ago

Hello po sa inyo..😊

Magta-tag-lish ulit ako ngayon sa content na to.

Para mas madali lang, especially sa kin, but I still keep doing the best that I can to make pieces that uses English as the language for it.

THE JAKARTA POST

So, let me start with this saying, "Mother's knows best." Hindi na bago sa atin ang katagang ito, right? I used this as the basis of my content today.

Most of the time, sinasabi lagi natin, pero siguro hindi naman lahat sa atin,

"Bakit kaya ganito sinasabi ni mama?"

"Anong purpose niya para dito?"

Ako, bilang nag-iisang anak, hindi ko talaga maiwasan na mainggit sa iba, especially when I was still a child. Na-experience ko naman ang buhay bata, but ang point ko, pagdating sa ibang laro o mga bagay na ginagawa nang mga bata, gaya nang pagtatampisaw sa ulan, paglalaro sa palayan, yung taguan tuwing maliwanag ang buwan, my parents didn't give me permission to play, especially my mom.

I wonder why?πŸ€”

But anyways, share ko lang naman.

thecleverfilipina.com

So ito na nga, nung nagdalaga na ako, at marunong na rin mag inarte, pakikay ba kumbaga. As in, halos dalawang beses ako maligo, especially pag mainit talaga ang panahon, tas tuwing gabi, before matulog, nag-ha-halfbath ako, naliligo din minsan. Tas dumating na sa point na inuubo na ako, tas sinasabi ni mama, "Yan kasi, nagpakaarte, ang tigas ng ulo, di marunong makinig." "Papunta ka palang, pabalik na ako." Tas ako, tahimik lang, parang walang nangyari.

Tas, ito na, my mom suddenly, approaches me, "Halika dito, hihilotin kita." And ako, napabuntong hininga, kasi alam ko na, masakit talaga maghilot si mama, as in, iiyak ka talaga sa sakit. But, no choice, I still let her do it. So, I cried because of the pain. And she scolded me again, kasi nga daw, matigas yung ulo ko.

Fast forward...

primer.com.ph

When I was in college, napilitan ako na lumayo sa piling ng parents ko, kasi malayo din sa amin yung school kung sa'n ako nag-aral. At first, nakakapanibago, napakalungkot, na bored ako, iyak ako nang iyak, yung feeling na, you were stock in the world na hindi ka parte. As in, nung umuwi ako by the weekend after nang first week of classes, I requested my parents na i-transfer ako sa ibang school na malapit lang sa kanila. Di kasi ako sanay na malayo sila, kasi nga diba, only child lang ako, sanay ako na nandyan sila lagi sa tabi ko. But later on, because of their comfort, then they often visited me at my boarding house, kahit malayo ha, they really do their best and effort na more often nila ako dalawin, na-solve din naman kahit papa'no. Tas, every visit nila mama at papa, syempre may kumustahan yan tas hugs narin, wag na yung kisses hindi ako sinanay dun. Nagpapahilot ako kay mama, kasi nga sa kaartehan ko, di talaga nawawalan nang pagkakataon na sumumpong yung sipon at ubo ko, kaya no choice din si mama, kasi as a sign of her love and care for me, hinihilot niya ako. At syempre kasi big girl na, di na iyakin ang lola niyo, kahit masakit. And again, she scolded me, "Hindi ka kasi nag iingat nak." "Please take good care of yourself, especially that we can't visit you here every now and then." "So please take care." And I answered her and papa, "Yes po."

Fast forward again..

RMN NETWORKS

Now, 2 years since I graduated, I was so happy because lagi ko na kasama parents ko, hindi pa kasi ako nakapagtrabaho sa natapos ko'ng kurso. Ongoing pa kasi yung ranking dito sa division namin kaya, hintay hintay muna. Hanap muna ng mapaglilibangan pansamantala. Hopefully, makapasok at makapagturo na rin, very soon.😌

Now, I currently, having a cough and cold, kaya di masyado labas nang labas sa bahay, kasi diba nga may pandemia, then signs daw haha, kaya home quarantine ang lola niyo. And si mama talaga, taga hilot ko, kung sana talaga, marunong lang makinig sa payo, hindi sana magiging ganito. Yung mararamdaman mo talaga yung pain, tas paiyak ka na. One time nga tinawanan ako ni mama, tas sabi niya, "Ang pangit mo nak, masakit noh? masakit nga, ano? uulit ka pa?" Tas ako, tango lang tango sa kanya. Alam niyo ba yung "Ayri/Ayre", yun yung term na tawag niya, sa reason daw na inubo at sinipon ako. Yung napuno na kumabaga ng malamig na hangin yung kalamnan mo. I don't know kung naintindihan niyo ba yun. Kaya daw masakit pagpinisil yung part na may "Ayri/Ayre."

Lesson Learned:

Always bare in mind that our parents were only thinking about our safety and our own good. Hinding-hindi talaga tayo ipapahamak nang mga magulang natin , kasi mahal nila tayo, though, there were times na mayroong misunderstandings. Especially our mothers. Kaya maging thankful tayo, because they were taking good care of us, their children. And we should learn to listen to them.

Kaya nga ako ehh, nagsisisi pero, hindi din naman guarantee talaga na hindi ko na uulitin.πŸ˜…

How about you?

May experience din ba kayo na gaya nito?Share niyo naman sa comment section?Wag kalimutan mag upvote and subscribe..(youtube ang peg)πŸ˜‚

Anyways, Thank you so much for the time reading my piece and for the support po.

Hopefully, you enjoyed and liked it!

Thank you to my sponsor, sir @Zeshan3333 ☺️

Have a nice day!☺️

6
$ 0.17
$ 0.10 from @dziefem
$ 0.05 from @gertu13
$ 0.02 from @Bloghound
Avatar for renren16
2 years ago

Comments

Ako sis kahit gaaano katigas ang ulo ko noong bata pa ako mahilig ako mag laro laro sa labas tapos pagka uwi papagalitan haha pero okay lang sakin dahil kasalanan ko naman dahil minsan kasi di ako nagpapaalam lumabas ng bahay para makipag laro . The best talaga sila gagawin nila ang lahat wag lang mapahamak ang mga anak nila

$ 0.00
2 years ago

Ako, di talaga pwede na hindi magpaalam pag umaalis ng bahay. May nakahandang pamunal si mama.πŸ˜…hahaha🀭

$ 0.00
2 years ago

Mothers always are and always will be protective to the point that we annoy our children.

$ 0.00
2 years ago

Though its kinda annoying sometimes, but realizing the true essence of their love.. It's a blessing.πŸ˜‡

$ 0.00
2 years ago