read.cash Log in
r@reaperzey more from that month

Mga Maralita sa Pandemya by: A.R. Calaycay Kahirapan ay nauugat na sa nakaraan Tulad ng pandemya sa kasulukuyan, Parang virus kung kumalat at maraming naapektuhan Unti-unting kinikitil ang mga mamamayan Lalo na ang mga nasa laylayan.

Kahirapa'y nagdudulot ng maraming pasakit sa buhay Na para bang tao'y tinurukan ng lumbay Kinitikil ang pag-asang makaraos sa buhay Na kahit pa ibuwis ang buhay, Tila ba'y imposibleng makamtan ang tagumpay.

Sa kasagsagan ng 'di matapos tapos na kahirapan, Pandemya'y dumating at buong mundo'y nakipaghimagsikan Apektado 'di lang ang kalusugan Ngunit pati na rin ang kabuhayan Lahat ay tila nalumpo’t napilitang manatili sa loob ng tahanan

Para sa mga mararangya, Ito'y itinuring na kanilang pahinga Na kahit pa 'di kumayod ay may pera pa rin sa kanilang bulsa Sabi nila, "***Tayo'y nasa iisang bangka"*** Ngunit bakit ang mga maralita lang ang nagdurusa?

Mali, sapagkat tayo ay nasa iisang delubyo Ngunit hindi sa parehong barko. Ang mga mayayaman ay may pribilehiyo, Habang ang mga dukha'y pagdurusa lang ang tinatamo. At madalas sila ang mga umuuwing abo.

Malaki ang pagkakaiba ng COVID-19 at kahirapan COVID-19 ay ginagawan agad ng paraan Nagsasagawa ng pagsusuri't pinag-aaralan Ngunit ang kahirapan, tila ba'y pinagsasawalang bahala't pinagtatakpan ***Dahil ba ang apektado lang ay ang mga dukha't hindi napapakinabangan?*** © to the rightful owners of the pictures.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.