At patapos na naman ang taong ito. Kaya't isang simpleng tula handog ko rito. Mga kaNoise, medyo maikli lang naman ito. Basahin niyo na, yan ay kung gusto niyo✌️😅 Paano niyo ba salubungin ang bagong taon? Kayo ba yung tipong paputok rito paputok roon? O baka naman torotot ang trip mo Takip ng kaldero, busina, at sigaw ng "Happy New Year!" ang pampaingay nyo Pero kahit ano pa mang pamamaraan ang pagsalubong niyo Bastat laging nagiingat, ligtas ang bagong taon mo. Maligayang bagong taon Nawa'y New Year's Resolution mo ay maisakatuparan mo na tlaga sa 2022 Maging masagana, masaya at sana ay maging more healthy too. Mga masasamang bisyo sana iwan na natin sa 2021 Para naman mas gumanda pa lalo ating katawan✌️🤣 Nauubusan na ako ng mga salita na may bigkas. Basta hiling ko sa ating lahat sa taong 2022, si Corona ay magwakas. Wag na sana magka season 2 pa at magkaroon ng maraming variant At maging ligtas sa mga sakuna at pagkakasakit ang lahat. 🙏 Happy New Year everyone. 🥳 Nalampasan niyo ang pagsubok ng 2021. Sa 2022 naman, sana mas maging matatag pa tayo sa pakikipagsagupaan, Sa mga pagsubok at hamon na sigurado nating pagdadaanan. So yun lang muna. Alam niyo na. Maligayang bagong taon. Mamaya, sa kainan, dahan dahan sa paglamon. Ingats sa paputok, at magtorotot na lang kung pwede, Para sampung daliri mo'y siguradong hindi mababawasan at maging nuwebe. 🥳🥳🥳 (image source: https://technicalbandu.com/happy-new-year-2022-images/)
No comments yet