Narinig ko si nanay na sumigaw doon sa backyard namin. Dali dali naman akong tumakbo papunta sa may pinto para tingnan kung ano nangyari. Yung sigaw niya eh parang may nangyaring masama. At yun nga, natanaw ko si nanay na papilay-pilay na naglalakad. 😱 Takbo ulet ako papasok sa bahay para kunin yung first aid kit. Dali dali ko namang dinala papunta sa kanya. Nung malapit na ako tinanong ko siya kung ano nangyari, di siya sumagot. 😖 Medyo worried na rin ako kasi nga pilay na pilay siyang naglalakad... and... bigla akong may naamoy... mabaho... Pambihira, nakaapak lang pala siya ng poop. Akala ko naman kung ano na nangyari 🤣 Bakit kasi ganun, nakakapilay ang poop kahit walang injury sa'yo 😅
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
kaloka kala ko seryoso..ahhahaha
Seryoso si nanay. Yun yung kainis. hahaha. Kala ko talaga emergency.