read.cash Log in
@randomuser

I bought 20pcs of these delimondo corned beef last night at SM supermarket. Habang nakapila panay sabi ang katabi ko ng "Ako argentina lang afford ko", meron pa na " sardinas lang ako e" tapos tatawa sila ng kasama niya. Sa tagal ng pinila ko sa blue basket lane ay siyang panay panay ang tawa at parinig na magsasardinas na lang siya at kung anu ano pa sinabi ni anteh. Gusto ko na siya sagutin ng " eh di magsardinas ka, wala akong pake" pero pinigilan ko ang sarili ko at lagi ko sinasabi sa sarili ko na "kung wala kang pake, ba't ka nagreact?" Mabuti na lang at kung sa pahabaan ng pasensya ay kasali siguro ako sa top 5 🙂 Kaunti lang items na nasa basket ko, bawat punch ay tawa pa din ng tawa kasunod ko, sila pa din yun. Tapos nung total na ay nasa 5,200 binayaran ko. May reaction na naman katabi ko as usual, sa mga puntong iyon gusto ko ng pumatol at sabihin na "Ano bang pake mo?" pero napigilan ko pa din sarili ko. Nang matapos na ko ay tiningnan ko sila na kasunod ko, magjowa siguro, pareho silang chararat. Patay malisya yun dalawa pero halata na nagpipigil ng tawa. Toxic sila. Ineexpect ko na students or someone younger, in their teenage years, yung dalawa para maunawaan ko naging behavior nila kaso hindi, mas matanda pa siguro sa akin. If im being generous eh maybe they're in their late 30's. Anong sense ng post ko? Wala. Kailangan ba? Naalala ko lang dahil ito lang tanghalian namin ngayon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.