read.cash Log in
r@raindrops

Laban Pa (TULA)

noong nakilala kita pintig ng pusoy nagiba sa bawat araw ay nasasabik na makausap ka kahit ang oras ay nagiging tinik sa ating dalawa love ang tawagan natin sa isat isa isang kataga na ang sarap sa tenga kasama ng matatamis mong salita wari'y isang awit na sobrang napakaganda sa bawat tawag natin sa social media oras natin ay sadya bang bumibilis at nagiiba sa bawat i miss you na mga kataga sa aking pusoy nagsisilbing pampagana pero sadya ba talagang tadhana ay mapagbiro sa pagiibigan natin ngayon ay nanlilito dahilan ay ang dating nakaraan na di mariro animoy nagbibigay bigat sa ating mga puso ikaw ang ilaw na nagbibigay sakin ng liwanag sa araw araw ikaw ay aking hinahanap na kahit anong nangyari sayo sa nakaraan at hinaharap ikaw parin ay aking tanggap laban pa, yan ang aking laging sinasabi balang araw ito ang magbubunga ng ating ngiti sa mundong ito sa tingin mo wala kang silbi pero ikaw ang nagbibigay sigasig sa aking mga labi sa bawat larawan mo na nakangiti tilay isang gayuma na nangaakit sa aking pagkalalaki ikaw ang binibini na pangarap ko makasama hanggang huli

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.