Pangarap ko sya (TULA)
This Original Composition by: Raindrops Mula sa hinagpis at sakit ng aking nakaraan mula sa yapos ng malupit na tadhana na aking naranasan akoy bumangon muli at ipinagpatuloy ang bagong yugto na aking lakaran sa paglipas ng panahon Ang sakit ng nakaraan ay akin ng nakalimutan Mga leksyon ay aking ibinaul at dala kahit saan pero sa isang iglap, eto na naman nakilala ko sya nang di inaasahan marikit na dilag na syang nagparamdam Ng kakaibang tibok sa dibdib na aking nararanasan sa bawat oras na dumaan, akoy nangangarap habang nakahiga nangangarap na balang araw makasama sya oo, pinapangarap Ko sya, mula nong kami'y unang nagkita nabighani ako sa pungay ang kanyang mga mata magagandang bibig na kapag ngumiti hindi kayang ilarawan ng kahit na sinong makata Ang tinig nya ay parang melodiya, Na nagsisilbing matamis na awit mula sa aking pagtulog at pagmumunimuni sa umaga. sa aking pagtulog, pagpikit ng mata muka nya unang una kong nakikita dinuduyan sa alapaap, matatamis na eksena sa pakiramdam ay kaysarap Mga bagay na aking lamang nabubuo sa aking pangangarap kung akin lamang isusulat ang mga katagang sakanya'y nag-uugat kulang ang tatlong daan at animnapot limang pahina ng aklat Ang mga salitang magsasalarawan kanya, Ay kayang bumuo ng isang diksyonaryo Gamit ang mga matatamis na salita galing sa ibat ibang sulok ng mundo. sya'y isang perlas na walang katumbas na halaga Kundi pagibig na di kayang tumbasan ng ginto o pera. pero paano nga ba? paano ko aaminin na sya'y aking sinisinta kung sa tingin palang ng kanyang mapupungay na mata, Nakakatorpe na! ako lamang ay buwan at siya ang aking araw, nanghihingi lng ako ng liwanag at syay nakakasilaw wag lng sana syang magtago sa kabila ng kanyang planeta Dahil madilim ako pag wala sya. Nagsisilbi syang inspirasyon ko sa aking pakikibaka At patuloy na aasa na balang araw mapansin din nya Ang aking nararamdamang pag-ibig para sa kanya. "PANGARAP KITA. NGITI MO PALANG SAPAT NA!"
No comments yet