Dagli
Magandang araw! Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang isa sa mga isinulat kong dagli. Sana magustuhan nyo! **Panghabambuhay** Kring! Kring! Kring! Kasabay ng pagpalahaw ng orasan ay dali-daling iginayak ni Jose ang sarili. Isinuot niya ang pormal na damit at kinuha ang bulaklak at cake. Kaarawan na ngayon ng nobya niyang si Mara. Agad-agad siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at tumungo sa kaniyang destinasyon. "Andito nanaman ako. Magkikita nanaman tayo." Bulong niya sa sarili. "Happy birthday mahal! Komportable ka ba dyan sa hinihigaan mo?" Sabi niya habang inilalapag ang cake at bulaklak sa libingan ni Mara. "Mahal na mahal kita, at habangbuhay kang nasa puso ko." Sambit niya kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha. Sana nagustuhan niyo! :)
1 comment
Thanks for sharing your awesome content dear. You can visit mine also. THANK YOU🌼😘🤗