read.cash Log in
@pakerts

Ang Kabundukan

Good morning guys! Share ko lang isang tula tungkol sa kabundukan. Ang Kabundukan *Tumingin-tingin ka sa ating paligid* *Biyaya ng Diyos ang 'yong namamasid* *Sa kabutihan Niya anong ipapalit?* *Pangalagaan mo nang may maisulit.* *Itong kabundukan bahagi ng yaman* *Kahoy, bunga, metal ang matatagpuan* *Sa Luzon, Visayas, doon sa Mindanao* *Laganap ang lupang lagusan ng araw.* *Pinakamataas, kilala sa lahat* *Ang bundok ng Apo nitong Pilipinas;* *Mga burol at bundok, may kalat-kalat* *May kabit-kabit, mababa't mataas.* Bitin ba? Haha! Sana nagustohan ninyo. Pakisubscribe naman diyan para may maishare pa akong mga tula sa inyo. Magcomment na rin sa baba. Maraming salamat!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.