Tula: Ang Sampaguita Noon at Ngayon
Hi guys! Share ko lang itong tula tungkol sa ating pambansang bulaklak, ito ay ang Sampaguita. **Ang Sampaguita Noon at Ngayon** *Noong unang panahon* *sampaguita'y salat,* *Sa bango at ganda* *kaya't hinahamak;* *Inaapi't nilalait* *ng mga bulaklak;* *Kaya't sampaguita'y* *laging umiiyak.* *Narinig ng Anghel* *iyak na may dusa,* *Kaya ang ginawa'y* *tinipon niya;* *Mumunting bituin* *na nasa bulsa niya,* *Saka isinaboy* *sa halamang sampaguita.* *Ang bawat bitui'y* *naging bulaklak,* *Na puting-puti't* *humahalimuyak;* *Unang sampaguita'y* *sakdal ng dilag,* *Bulaklak ngayong* *pambansang sagisag.* Bitin ba? Haha! Sana nagustohan ninyo. Pakisubscribe naman diyan para may maishare pa akong mga tula sa inyo. Magcomment na rin sa baba. Maraming salamat!
No comments yet