read.cash Log in
@orangeee more from that month

Coffee Time! Hooray it Friday,yehey. Kape pala tayo mga kaibigan.Hindi na sana ako magkakape kasi naubos na ang laman ng butane.Pero nag offer ang mabait na landlady kaya I grab the opportunity na agad na magpakulo ng tubig sa butane niya. Kaya tadaaaa nakakape narin ako. Makakauwi na pala ako sa bahay mamaya kaya I'm sooo excited na.Wala akong klasi ngayong araw kasi yung klasi dapat mamayang gabi ay ginawa na kahapon.Kaya maaga akong makakauwi mamaya.Dadaan pa pala ako sa supermarket para mag grocery may pinapapabili kasi si mama tsaka pupunta rin ako sa palengke bibili ako ng bangus.Uuwi rin kasi ang kapatid ko mamaya at nagrequest sya na magsinigang bangus daw kami sa bahay. Tapos pupunta rin ako sa botika bibili ng mga gamot nila mama at papa tsaka bibili pa ako ng 5kls pagkain ng tilapia sa fishpond namin. Magandang umaga sa lahat! Pagkatapos ko magkape ay aalis na ako.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.