"Walang magawa" It's another day na naman walang magawa sa bahay at nabobored ring magreview kasi parang hindi nagcooperate ang utak ko ngayon (hehehe). Kaya ayon napunta ako sa gallery ng cellphone ko at sa kalaunang pagkakalkal ko nakita ko ito. Naisip ko nakakamiss lang din mag-aral. Though maraming challenges na pinagdaanan pero di parin naman nawawala ang saya kapag nalampasan na ang bawat pagsubok. Sa larawan ay makikita ang masasayang mukha namin. Pangiti-ngiti lang pero di na pala biro yung pinagdaanan. Ang ginawa pala namin nyan ay nag interview ng guro na para sa amin ay isang role model teacher. Parang talkshow ang paraan ng pagpresent namin ng output diyan. Kaya tudo effort kami sa pag edit pagkatapos namin mapanayam si sir. Buti nalang napakabait din ni sir sa amin hindi nya kami pinahirapan. Kaya thank you sa iyo sir kahit di mo ito mababasa hahaha. Kay sarap lang talaga balik-balikan ng ating mga masasayang ala-ala. #throwback #noisecash
No comments yet