read.cash Log in
n@novaje

Journey going home Kaninang mga 6 pm habang pauwi kami galing sa misa. Umattend kasi kami ng misa kanina kasi kapistan ng Immaculate Conception ngayon. Ayon nga nagkaroon ng aberya ang sinakyan naming motor. Naflatan ng gulong yung sa hulihang bahagi. Di naman namin pweding erunning flat baka masyadong masira pa kaya naisipan nalang naming iwan at balikan nalang bukas wala din kasing vulcanizing shop sa malapit. Mabuti nalang at nasa tapat kami ng gasoline station at kakilala rin namin ang guard doon kaya nakisuyo nalang kaming ihabilin muna doon ang motor. Kaso wala na kaming masakyan pauwi. Naisipan naming lakarin nalang pauwi sa bahay kahit medyo malayo pa wala na rin kasing tricycle napwede naming masakyan. Pero hindi parin kami pinabayaan ng Dios may pinadala parin Syang instrumento at ng kami ay makauwi ng maayos. May dumaang kaibigan at kami'y kanyang hinatid sa aming tahanan. P.S. Hindi ko na napicturan yung motor at yung kaibigan naming nagmagandang loob na kami'y ihatid kasi nagsimula ng umulan. Ang nasa picture ay ang kasama ko ng kami'y nagsimulang maglakad at nadaanan ng kaibigan. #JesusIsAlive #JesusIsWithUs #noisecash

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.