Ang tulang ito'y inaalay ko sa lahat ng ina at lalong-lalo na sa aking ina. Kanlungan Ang buhay ay parang isang sarangula Na sumusunod sa hangin kahit saan mapunta Laro dito, laro doon ang libangan No'ng nasa kamusmusan pa lamang Ngunit ng lumaki't namulat Unti-unting natutunang magsiyasat Mga mata'y nabuksan sa katotohanan Na ang buhay ay 'di puro kasiyahan Sa buhay ng pakikipagsapalaran Mga payo mo ang s'yang nagsilbing sandigan Sa pagharap sa lipunang kinagisnan Upang mga pangarap ay makamtan Sa mga panahong nasasaktan Pagbilanggo sa'yong bisig ang sapitan At kahit kailan may hindi iniwan Ng 'sang tulad mong Maria ng tahanan Inay, ikaw ay ang aking kayamanan Kayamanang aking pinangalagaan Kailan may hindi ipagpapalit Sa anumang perlas na pweding makamit. Photo courtesy from: https://tracking.depositphotos.com/aff_c?offer_id=4&aff_id=33083&url=https%3A%2F%2Fdepositphotos.com%2F38862723%2Fstock-illustration-a-hilltop-with-a-mother.html%3Futm_medium%3Daffiliate%26utm_source%3Dwidget%26utm_campaign%3Dsp.depositphotos.com%26utm_term%3D4%26utm_content%3D33083 #FilipinoCommunity
No comments yet