Sinigang na baboy Ulam namin for lunch gang dinner na din. Advice ni mother lagyan ng one teaspoonful ng brown sugar para daw mas masarap. At masarap nga. Kanina pag uwi ni eldest sabi nya need ng 2x2 ID picture. Naisip ko sa Saturday na lang kami punta ng photoshop. Pero umalis na din kami at nag punta sa photoshop para pumunta na din sa school ni bunso. Dahil kukunin ko na yung issue na certificate of enrollment na kailangan para kumuha ng Cash Assistance ng DSWD. Sayang din malay natin makakuha ako. At ayun nagkwentuhan kami ni teacher about sa anak ko. Pati nag Maritess sa isang student niya na iniwan ng ina dahil namatay ang asawa at sumama sa ibang lalaki. Grabe ang sama naman nung nanay, iniwan ang anak sa sariling kaligayahan. Sabi ko naman sa teacher baka sobrang na depress kaya nagawa yon. Grabe c teacher mag Maritess hahaha. Nawa'y maging mapayapa ang ating tulog sa gabing ito ka food trip. 0825/2120 @Sheena34
1 comment
Ganun pala un? Matry nga maglagay ng asukal. Panu pala ung dswd saan siya inaapplyan?