Ikaw may kaibigan ka din bang ganito? Yun bang true friend ka lang nila kapag napapakinabangan ka pa nila at pag wala ka ng pakinabang deadma ka na sa kanila. Yung tipong andyan ka sa tabi nila nung kailangan nila ng kaibigang masasandalan. Pero nung ok na sila at kaya na nila iniwan ka na nila sa ere na pa para bang hindi ka na napakinabangan. Yung tipong hindi ka man nakatulong financially sa kanila pero oras mo ang binuhos mo para damayan sila. Pero ngayon na ikaw ang nangangailangan ng tunay na kaibigan hindi mo na sila makausap o malapitan. Ni hindi ka na rin nila makamusta manlang kahit minsan dahil may mga bago na silang "KAIBIGAN" Unfair noh? 🙂 Pero ganun talaga dun mo masusukat ang tunay na pagkakaibigan. Mahirap din naman ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw na sayo. Para ka lang nanlilimos ng panahon at oras na kailanma'y di na nila kayang ibigay sayo. True friends? Yun yung taong kahit anong mangyari mananatili sya sa tabi mo. Sila yung kahit walang maitulong na iba bukod sa presensya nila eh pilit ka paring dadamayan oras na nangailangan ka ng kaibigan. Sila yung hinding hindi ka iiwan sa kagipitan man o kaginhawaan. Sila yung ipagtatanggol ka sa lahat ng taong aagrabyado o aapi sayo.. Sila yung kahit kelan hindi ka tatalikuran o susukuan. Hindi ka sisiraan Hindi ka pababayaan At higit sa lahat sila yung iintindi sayo sa lahat ng pinagdadaanan o pagdadaanan mo. Sa tuwid o lubak na daraanan mo sila yung magiging kaagapay mo. 🙂
No comments yet