read.cash Log in
@nheng more from that month

"Salamat sa mga nagturo saakin/ Ng tamang daan upang aking tahakin/ Di man matupad aking mga hangarin/ Bitbit ko parin mga payo nyo sakin/ Ang hamon ng buhay kailangan kayanin/ Kailangan kumilos di puro dalangin/ Kung puro hiling kalang balewala rin/ Maghapon ka man dyan na mag amanamin/" Flex ko lang etong isa sa pinakahahangaan kong tao 🙂 Ang aking bunsong kapatid. Dito palang sa konting part ng Bars nya ramdam ko na kung gaano na kalalim at kabigat Ang pinagdaanan nya edad na 22. Nalulungkot ako dahil lumaki syang Wala kami sa tabi nya..Maagang namatay Ang aming Ama at Ang kanyang Ina nmn ay nakipagsapalaran sa abroad habang kami ng Ate nya ay may sarili ding Buhay sa malayo. Literal na napariwara Ang Buhay nya dumaan sa mga Hindi magandang bisyo. Pero ngayon eto na sya 🙂 Isa ng magaling na Rapper sa larangan ng musika though di pa sikat pero alam ko na malayo pa Ang mararating nya, and isa na din syang Tattoo Artist na nakikipagsabayan na ngayon sa mga Dutdutan Tattoo Convention Events 🙂 Nakakaproud lang kasi pilit nyang inayos Ang Buhay nya hindi kagaya ng iba na tuluyan na sinira Ang kanilang buhay dahil lang sa pagrerebelde. 🙂 #ProudAte 😊

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.