read.cash Log in
@nheng more from that month

Ramdam ko yung sinabi ni Bayani dito 😔 "Pag ang asawang babae ang sumuko at umayaw tapos na ang pamilya. Ang babae ang nagdadala ng pamilya, pag sumuko na ang babae sa dami ng nagawa mong kasalanan, tapos na..Kapag lalaki ang sumuko at ang babae ay hindi pa buo pa ang pamilya." Sobrang totoo ito for me..ang babae kasi hanggat kayang magtiis para sa pamilya, magtitiis sya..kahit nasasaktan na sya, kahit sobra sobra na. Minsan ang babae kasi kapag nagmahal, buo. Kaya hanggat mahal ka nito mas pipiliin nitong magtiis at magsakripisyo hanggat kaya nya. Pero once na napagod sya, tapos na. Ibig sabihin hindi nya na kaya ang sakit na nararamdaman nya. Tipong ginawa na nya ang lahat pero hindi pa rin sya binigyan ng halaga, binalewala pa din sya. Pinakamasakit kasi sa babae ang iparamdam sa kanya na wala na syang halaga..Minsan kasi hindi nakikita ng lalaki na sila mismo ang nagbibigay ng dahilan para sumuko ang babae.. Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02wo3XbJKNjpziq5SRhVaeSnZh2ga8Rc22HpnXqNP1Bq1ugHSn5K9QmAjvMLwoPur5l&id=1751095958

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.