"Pamilya" Simple lang naman ang gusto ko Gusto ko lang ng masaya at pamilyang buo Pamilyang hindi nagpapatinag sa problema Pamilyang hindi ka ipagpapalit sa iba Kay tagal kong pinangarap na tayo ay mabuo Ngunit mukhang masisira lamang ng dahil sa bisyo Bisyong unti-unting tinitibag pamilyang ating binuo Kailangan nga ba talagang umabot tayo sa ganito? Hindi na nga ba talaga pamilya ang mas mahalaga? Sa bisyo ka na lamang ba talaga mas sasaya? Balewala nalang ba na masira ang iyong pamilya? Sana'y maisip mo pa kung ano ang mas mahalaga Bago pa kami tuluyang mawala. ..lols ginawa ko 2 nung nasa baclaran pa ako habang nagpapalipas ng sana ng loob 😁 pinabasa ko kay hubby..nangako naman sya na di na sya magsasabong ulit. 😊 wish ko lng totoo 😁 actually 2yrs palang kami nagsasama after nya kami pabayaan ng anak nya nung buntis pa ako (2014)..after 5yrs bumalik sya sa amin..kaya tlgang super saya ko na nabuo kami ulit.. 😊 sana lng tlga hnd bisyo ang maging dahilan para masira ulit ang pamilyang pilit namin inayos at binuo. 😌
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet