Eto yung tulang ginawa ko noong nawala sa akin ang panganay ko..Ngayong araw na 2 yung araw na pinalaya at pinaubaya ko na sya sa Panginion..11yrs na ang lumipas pero ramdam ko pa din yung sakit..Ang pagmamahal at pangungulila ng isang ina kailanma'y di mawawala.. 😔 "Bakit?" Bakit? Tanong ng pusong lumuluha Kay hirap tanggapin na sa aki'y ika'y nawala Puso ko ngayo'y lubhang nangungulila Sa'yong pagkawala ako'y lubos na nanghina Bakit? Tanong ng pusong nagdurusa Kay sakit tanggapin na ikaw ang parusa Buhay ko ngayo'y lubhang nalulumbay Di ko akalain na sa aki'y ikaw mawawalay Bakit? Tanong na kay hirap masagot Kay hirap tanggapin na ika'y di na maabot Pusong nagmamahal ngayo'y galit naramdaman Kung kailan huhupa ay di ko malaman Bakit kailangan pang ito sayo'y sumapit Sadyang napakasakit lalo't hustisya'y di makamit Hanggang kailan magdurusa pusong kay pait Patuloy itong umaasa na sayo'y muling makalapit Oh aking anghel ako sana'y iyong tulungan Upang malagpasan sinapit na kapalaran Sa aking pagtulog ako'y muling iyong yakapin Upang maibsan hapding sa puso'y kumikitil. #TagalogPoetry #PoemOfPain
1 comment
Di ko po nakaya an tapuson yung poem mo sis. Unang part palang Sobra na goosebumps ko. Hindi ko man na experience ang na experience mo sis pero ramdam kita. Kahit sinong na ay na nawala ng anak di parin kayang makapag moveon kahit maraming taon na ang lumipas.