"Salamat" Bumalik ka nga sa aking piling Tinupad aking mga hiling Ngunit di ko akalain Magdadaan ka lang na parang hangin Ako'y iyong muling pinaasa Pinaniwalang ako'y mahal mo pa Pinagmukha mo lang akong tanga Sana'y hindi ka na muli pang nagbalik Salamat sa lahat ng binigay mong sakit Na sa akin ay nagdulot ng pait Salamat sa lahat ng iniwang alaala Ako ngayo'y muling nagdurusa Pakiusap ko nalang sayo Huwag ka na muli pang manggugulo Sapagkat hindi na kaya ng puso ko Pagod na pagod na ito sa panloloko mo. ....lols para sa mga iniwan tapos binalikan tapos iniwan ulit 🤣 actually kanta itong ginawa ko eh para sa Ex ko dati. 🤣 may beat na ito sa isip ko pero di lang ako marunong kung paano bubuuin talaga..tsaka parang kulang pa 2 kaya di ko na pinagpatuloy gawin. 😁 baka gusto nyo pakinggan libre lait 🤣🤣🤣 👉 https://youtube.com/shorts/Yp9rLN9nYME?feature=share
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet