Tagalog Poetry. Gaano Ka nga ba Kalakas? Gaano ka nga ba kalakas sa tuwing nahihirapan ka na? Patuloy mo pa rin bang kinakaya? O tuluyan ka ng sumusuko? At mas gugustuhin mo nalang na tuluyan ng maglaho. Gaano ka nga ba kalakas sa tuwing may problema ka? Nakakaya mo pa bang kumalma? O nawawalan ka na ng pag-asa At tuluyan ka ng nawawalan ng gana? Ang hirap hindi ba? Yung pakiramdam na pagod ka na Pero hindi mo alam kung lalaban ka pa ba o susuko ka na Dahil ang totoo pagod na pagod ka na at halos di mo na kaya Pero hindi pa rin pwedeng sumuko Hindi ka pa pwedeng sumuko sa kabila ng paghihirap mo Sapagkat may mga tao na sayo lamang umaasa Umaasa na mas maging matapang ka pa para kanila Kailangan mo pa ring lumaban Labanan mo ang hirap na iyong pinagdadaanan Alang alang sa mga taong sayo lamang nakasandal Mga taong iyong tunay na inspirasyon at minamahal.
No comments yet