Eto lang din talaga Ang medyo mahirap dito sa Baguio. Kapag Wala kang sariling tangke no choice ka kundi per drum Ang bibilhin mong tubig. Sobrang hirap din talaga ng tubig dito, kapag naubusan pa Yung tangke ng binibilhan mo no choice ka kundi manghingi pansamantala sa kapitbahay 😅 kaya maswerte kami dito kapag naulan kahit papano makakaipon kami kahit pangligo, panglaba, panghugas ng plates at pambuhos ng CR, sobrang laking tulong din talaga ng ulan dito sa amin, kahit paano makatipid din..pero sa totoo lang buti nga ngayon may mga tangke na mga tao Dito na malalaki, nakakabili na kaagad kapag walang tubig di gaya noong Bata pa Ako need ko pa maglakad ng malayo at mag igib sa taas ng sementeryo..pati ulan pinapakuluan pa namin para lang may mainom kami 😌
1 comment
Wala po bang connection para sa regular na water supply dyan mam nheng?