#TagalogPoetry ..munting mensahe para sa aking mahal na ina.. "SALAMAT" Paalam na aking ina Mahirap ma'y alam kong masaya ka na Wala ng sakit para sa'yo Tuluyan na itong naglaho Salamat sa lahat aking ina Sa pagmamahal na sa'yo lang nadama Hinding hindi ko malilimutan Bawat pagsubok na ating napagdaanan Salamat aking mahal na ina Sa lahat ng iniwan mong alaala Sa bawat kabutihang iyong iniwan Mananatili sa aming mga puso magpakailanman. Ako pa rin ay labis na nasasaktan Sa iyong biglaang paglisan Kaya't ako sana ay iyong gabayan Pawiin ang aking labis na kalungkutan.
No comments yet