meryenda time mainit na araw noise.app people. thank God at mainit na dito samin matutuyo na ang uniform ko nito. snacks muna tayo tinapay at star margarine choco wala nang lulutoin kaya ito na bumili nalang si lola. pinasnacks namin si bunso para matulog na antagal-tagal ayaw pa ring matulog. kain muna ako
@navel2005 in November 2022
CORNED BEEF gandang gabi noise.app friends. kakauwi ko lang samin nanggaling ako sa bahay ng aking kaklase dahil gumawa kami ng group project namin sa ESP. at ito na nga ang niluto ni mama @chellzplenos na corned beef parang sinabawan no? pero request namin yan ni ate pag ganyan ang niluluto ni mama gusto namin maraming mantika kasi nilalagay namin sa kanin masarap siyang ihalo sa kanin eh. kain muna ako at ako gutom na gutom na grabe.
ulan maulan na tanghali noise.app friends. grabe bigla nalang umulan buti nalang at hanggang 12 lang kami ngayon. kakarating ko lang timing pagbaba ng trisikel ay umulan, andito ako ngayon sa tindahan namin papalitan ko sana si mama pero sabi niya kain daw muna ako at babalik lang ako.
ANG LAMIG morning noise.app friends. nakow ano po ang nangyari wala namang bagyo na siguro pero ang grabe ang lamig-lamig. ang sarap pangmamaluktot sa kama at nakatalukbong ng kumot kung wala nga lang pasok matutulog talaga ako. kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon natatakot akong maligo kasi parang may ice ang tubig. natunaw siguro ang yelo kaya ang lamig-lamig ngayon ayaw ko talagang bumangon😀
MAULAN NA UMAGA kamusta po kayo noise.app? break muna habang wala pa si teacher daan muna saglit. bigla nalang umulan wala pa naman akong dalang payong sana tumila na ito mamaya pag-uwi. pero sa tingin ko matatagalan pa ito kasi napakadilim ng langit. hindi na ako kumuha ng pic kasi na loob na ako ng room. nakaw-nakaw lang itong pagdaan ko saglit hehehe. maya nalang pag-uwi ko. paalam muna
ULAM ULAM gandang gabi noise.app. sobrang busy dito sa bahay. yang 1st photo ay pusit masarap sana kaso hindi nalang ako kumain nag-iingat baka kumati na naman ang bibig ko. sa 2nd photo naman ay tilapia dala ni papa yan ang kinain ko hehehe. kain tayo
gising na mga kaingay halu helo andito na naman ako. morning po sa inyo. andito nga pala si Our Lady of Guadalupe saming bahay ngayon bumisita siya kagabi at dito natulog kukunin siya mamayang hapon. kahapon pinahatid ni mama si mama mary para sakto sa birthday ni bunso. nagdadalawang isip ako kung aabsent ako kasi walang tutulong kay lola at sa tindahan namin
morning grabe napakabusy namin. ito nga po pala ang pinangsnacks namin sa kumuha ng birhen kahapon. isa din ito sa handa ni bunso. hay salamat at last day of school na ngayon, sarap pa sanang matulog kasi ang sakit-sakit ng katawan ko pero need bumangon alamz niyo patay tayo kay mama niyan. mga kapwa ko estudyante diyan gumising na kayo para di tayo malate.
CHOCOLATE SPOON hello hello noise.app. kakadating ko lang galing school as usual dumadaan ako sa tindahan. nakita ko itong bagong paninda namin at nacurious ako. abay akalain mong korteng kutsara talaga hahaha. binibenta namin ng 5 pesos each para affordable sa mga students masarap naman siya naka 4 piraso na nga si bunso😀
LUMPIANG TOGUE gandang gabi noise family. kain tayo ito ang ulam namin for tonight lumpiang togue mga kaingay. matagal na kaming di nakakain ng lumpiang togue mas gusto ko itong isawsaw sa suka kesa sa catsup. ano ulam ninyo mga ate at kuya? bukas bantay tindahan mode kasi walang pasok baka may benta pa kami hehehe #goodevening
SARAP😋 good morning po noise.app. kakagising ko lang at inuna ko munang tingnan ang FB at messenger ko kasi baka may pinost na mga module or announcements. habang nagscroll ako nakita ko it shinare ng tita ko ako ay napatitig talaga ng mga ilang segundo hehehe. sabi ko sa sarili ko wow ang sarap naman ng adobo sana yan ang lutoin ni lola ngayon natatakam ako. kayo kaingay hindi ba kayo natakam sa photo? #goodmorning #uulaminkoyan
hello hello po gandang gabi. maulan din sa inyo? nabusy ako sa school at sa tindahan namin kaya ngayon lang nakabisita dito wa la din akong load. share ko lang ulam namin ngayon aadobohin ko ito. ito yung sa babang part ng backbone at leeg yung pinakamain part ng backbone ay sasabawin ni lola lalagyan ng malunggay. dadami na naman kain ko nito mamaya😀 #coldevening
ulam kagabi sinabawang manok with maraming malunggay. ito nga pala ang isang ulam na niluto ni lola kagabi tamang tama sa panahon kahapon. sakto ang mainit na sabaw sa malamig na panahon kagabi, ang dami naming nakain magkakapatid pati si bunso gumanang kumain. kamusta ang araw ninyo mga kaingay? malapit na pasko sa mga may bonus diyan baka naman😀 namamasko po. #happysunday
Hello noise fam good morning sa inyo kain tayo ng agahan ang today's menu ay pancit. Actually ka gabi yan niluto ng lola ko eh may natira pa yun nlng inagahan namin ni mama. Oh diba tipid HAHAHA dapat magsave na tayo ngayon kahit sa pagkain. Hindi dapat sinasayang ang mga pagkain kung hindi pa nmn panis edi kainin diba? yes diba hehehe
HOT COFFEE+PANDESAL=BUSOLVE MORNING good morning sa lahat mga ate at kuya ko diyan. gising na ba kayo? ako ngayon lang gumising at nagkape agad nakabili na kasi ng pandesal ang kapatid ko. after nito kung hindi ako maglalaba baka babalik ako sa pagtulog kunti lang naman para may lakas pag naglaba na😀
TILAPIA Late post na itong tilapia namin, kagabi kasi nmin tong ulam ngayo ko lng na noise. Kagabi kasi pagkatapos kumain nagmodule pa ako tapos natulog na kaya hindi ako nakapagnoise. Lowbat din phone ko non. Anyways diba ansarap ng tilapia guys? yan yung isa sa favorite ko na isda no. 1 si bangus hehehe. Tsaka tilapia kasi laging dinadala ni papa sa amin kaya nagustuhan nadin namin ito. Kayo mga guys anong ulam niyo?
SARDINAS WITH EGG AT KIYAMPI gandang gabi noise.app family. nakabalik na din po ako. kain na po tayo ako ang nagluto nito biglang nagcrave kami ng sardinas na may itlog. pinagpipino ko yung sardinas kasi yung isa kong kapatid di kumakain basta yung malaki at yan rin ang gusto ni mama. siyempre pinartneran na rin namin ng tuyo kiyampi ang tawag ng lola ko dito paborito niya, si mama ang kumakain ng ulo lalo na pag crispy yan gusto niya. kain po muna ako at pagkatapos…