May naalala lang ako dito. Wahahaha! Wala akong tinusok ng lapis pero may tinusok ako ng ballpen. HAHAHAHA Grade 5 ako nun. May pagkabully saken katabi ko ewan ko ba kung bakit. Pero minsan naman ambait tas sweet binibigyan pa ko ng baon nya. Hahaha crush ko pa naman yun. 😆 Walang araw talaga ang lumilipas na hindi nya ko binibwisit hanggang one time sobrang inis ko na sa kanya, nagsusulat ako nun tapos sya panay siko saken, tinusok ko sya ng ballpen. Malakas. Hahahahahah Grabe kaba ko nun after mahimasmasan ako. Di ko akalain na magagawa ko yun. 😆 Kabado ako baka isumbong talaga ko. Sabi nya kasi magsusumbong daw sya. 🤣 Ganda pa naman ng records ko tapos mababahiran dahil sa kanya. 😂 Nasaktan sya of course, hahahah panay tingin nya sa kamay nya pero tiningnan ko hindi naman dumugo ng matinde. OA lang eh. Bwahahha!! Then days after, nagpunta dun nanay nya. Nasa unahan kami nakaupo tas tabi pa ng pinto so tanaw agad kung may tao. Pero absent sya that time so wala akong katabi. Imagine yung kaba ko nun habang kausap nya yung teacher namin. Hahahahahaa! Iniisip ko na nun na baka nagsumbong talaga tapos ipapaguidance na ko my gaaahd yari ako sa parents ko! Napakatahimik kong bata eh. 😆 Tapos baka absent sya dahil dun sa ginawa ko. Hahahaha! I was thinking of the worst case scenarios na nun.🤣 Pero ayun, natapos naman usapan nila na hindi ako napapatawag. And iba pala yung reason kung bakit sya absent. 😅 So anong point ko sa pagkukwento? Wala lang. Hahaha natawa lang kasi ako. Naalala ko ang mga nakalipas. Chaar hahaha! Lesson is, wag magpadala sa tukso. Haha! Yung tukso na pambubwisit ah, hindi yung tukso na alam nyo na...😂😂 Siguraduhin din na walang hawak na anumang matutulis na bagay pag may bully sa paligid. Mahirap na. Hahaha Ayon sobrang haba na. Salamat kung nakaAbot ka hanggang dulo. 😆 Link nga pala mga lods ng pic source 👉 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=388727545968021&id=113077703533008
No comments yet