Sumakit na lang ang likod, balakang at pang-upo ko dahil ayaw nya ko lubayan. 😑 Maghapon ganito lang kami wala na nagawa hayst. Nilalamig ata ang bebe ko. O sadyang nasosobrahan na sa pagpapababy. 😆 Spoiled na masyado ang Tomtom ko ah. Bakit kasi hindi ko matanggihan ang mukha mong nagpapaAwa kapag hindi kinakalong. Hahaha Kaninang umaga mukhang nagtampo pa sya nung binaba ko sya dahil lumipat ako ng upuan. Pagtingin ko sa kanya naka-upo lang sya at nakatitig sakin. Yung mukha nya parang nagtampo. Hahaha. At dahil marupok si ate gurl nyo, kinuha ko ulit saka nilagay sa lap ko. Ayun higa kagad sya mukhang kuntento na. Haay talaga naman eh. 😅 Bagyo pa more! Pababy pa more si Tom. 😆
No comments yet