July 26, 2023 (Day) YOU ARE FORGIVEN, ACCEPTED AND LOVED BY GOD 😭🙏 Mga Taga-Roma 9:25-26 [25]Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, “Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging ‘Bayan ko,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging ‘Mahal ko.’ [26]At sa mga sinabihang ‘Kayo'y hindi ko bayan,’ sila'y tatawaging mga anak ng Diyos na buháy.” *Ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang MAMATAY SI CRISTO para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na Niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng Kanyang Anak na Si Hesus. Grabeeee ang Pag-ibig ng Diyos sayo at sa akin 😭💚 Tayo ay mga Hentil. Tayo ay Hindi Bayang Pinili pero naranasan nating MAHALIN sa kabila ng tayo ay makasalanan. Kaya kung Feeling Mo, napakarumi mo. Kung feeling mo di ka na kayang patawarin. Kung feeling mo marami kang naging pagkukulang. Kapatid, pinapakita ni Lord ang GRABEEEENG PAG-IBIG NIYA SAYO. Sabi Niya ulit sa verse “Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging ‘BAYAN KO,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging ‘MAHAL KO' At sa mga sinabihang ‘Kayo'y hindi ko bayan,’ sila'y tatawaging MGA ANAK NG DIYOS na buháy.” 😭💚 Kapatid, YOU ARE FORGIVEN YOU ARE ACCEPTED YOU ARE FOREVER LOVED. Kaya Magpasalamat ka Kay Lord 🥹 kasi We Deserve Nothing but God Gives Us Everything 😭💚 Thank You Lord For Your Unconditional Love 😭💚 I Love You Too Lord 🙏 Have a Blessed Day 😇 Mahal ka Ng Diyos
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Amen, glory to God in the highest!