read.cash Log in
@my27lady

Gat. Andres Bonifacio, Bayani! Ngayong araw na ito, aming inaalala Kabayanihan mo, muling sinasariwa, Kalayaan nitong bansa, Sa kamay ng mga mapang - aping kastila, Ang tanging hangad ng puso mo sa tuwina. Buhay ay iyong inialay, upang kalayaan makamit, Marami mang pagdurusa at mga pasakit, Di natakot, tumayong pilit, Lumaban hanggang sa huling hininga'y mahalit, Hanggang kalayaa'y masungkit. Salamat sa iyo, Gat. ANDRES BONIFACIO, Dakilang bayaning Pilipino, Di matatawaran ang iyong mga sakripisyo, Upang Pilipinas lumaya' t umasenso, Di magsasawang gunitain kabayahihan mo.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.