August 05, 2023 (Day) GOD WILL SHOW YOU HIS GREATNESS 🔥 Mga Awit 27:13-14 [13]Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan. [14]Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala! *Hindi pa dyan natatapos ang laban ng buhay mo. Hindi habang buhay ika'y naghihikahos. Hindi habang buhay, luha sa iyong mga pisngi'y hindi hihihinto sa pag-agos. Hindi habang buhay, mahirap ang iyong sitwasyon Sapagkat HINDI KA PABABAYAAN NG PANGINOON 🙏 Kapatid, kung dumaraan ka man sa mabibigat at malalakas na bagyo (pagsubok) ng buhay. Kapatid, GOD IS NOT TOO LATE PARA BAGUHIN ANG SITWASYONG MAYROON KA. Maaring sa panahon mo may itinuturo at inaayos pa ang Diyos. Ang Kailangan mo lang habang pinagdadaanan mo yan, AY ANG MAGTIWALA 🙏 Naniniwala ako na darating ang panahon na na yung lubog mong sitwasyon, ipagpapasalamat mo sa ating Panginoon. 🙌 Kapatid, Makikita mo, na KUNG NASAAN ANG IYONG KAHINAAN DOON IHAHAYAG NG DIYOS ANG KANYANG KAPANGYARIHAN 🔥 Just TRUST the Process 🙏 God is in control 🔥 Have a Blessed Day 😇 God Bless 🙏
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet