March 06, 2023 (Day) SHARE THE WORD OF GOD 🙏 Marcos 13:7-8,10 [7]Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaang malapit sa inyo at mga digmaan sa malayong lugar. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. [8]Sapagkat makikipagdigma ang mga bansa laban sa kapwa bansa at ang mga kaharian laban sa kapwa kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon ng mga taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap na tulad ng nararanasan ng isang nanganganak. [10]Ngunit dapat munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Magandang Balita bago dumating ang wakas. *Lahat ng nakasulat sa Bibliya ay Totoo. At mula ika 7 hanggang 8 bersikulo, ito ay nagaganap na at nararanasan na ng mga tao sa mundo. Subalit sabi sa verse 7 and 8, Ito'y pasimula pa lamang at Hindi pa ito ang katapusan. Kaya Kapatid, HABANG MAY PANAHON HUWAG MONG SAYANGIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. It's Time para i-share mo ang Salita ng Diyos at ang Kaligtasan para sa Pamilya Mo, Kaibigan Mo, Katrabaho mo at mga Taong nakapaligid sayo. Huwag Kang Matakot sapagkat ang Diyos ay Kasama mo. Ikaw lang ang gagamiting Instrumento subalit ang magsasalita ay ang Espirito Santo 🙏 Kaya Habang Hindi pa Huli ang Lahat at Hindi pa nangyayari ang Wakas Kailangan nating kumilos upang Maraming Kaluluwa ang maligtas. Good Day and God Bless 😇
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet