July 09, 2023 (Day) KNOW HOW TO LISTEN π Mga Gawa 27:9-11,14-15,18,20 [9]Mahabang panahon na kaming naglalakbay. Mapanganib na ang magpatuloy dahil nakaraan na ang Araw ng Pag-aayuno, kaya't pinagpayuhan sila ni Pablo.[10]Sabi niya, βMga ginoo, sa tingin ko'y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at maaaring mapinsala ang mga kargamento at ang barko, at nanganganib pati ang buhay natin.β [11]Ngunit higit na pinahalagahan ng kapitan ng mga sundalo ang salita ng may-ari at kapitan ng barko kaysa sa payo ni Pablo.[14]Ngunit di nagtagal, bumugso mula sa pulo ang isang malakas na hanging mula sa hilagang-silangan. [15]Hinampas nito ang barko, at dahil hindi kami makasalungat, nagpatangay na lamang kami sa hangin. [18]Patuloy na lumakas ang bagyo; kaya't kinabukasa'y sinimulan nilang itapon sa dagat ang mga kargamento. [20]Matagal naming di nakita ang araw at ang mga bituin, at hindi rin humuhupa ang napakalakas na bagyo, kaya't nawalan na kami ng pag-asang makakaligtas pa. *Naririnig mo din ba ang salitang ito? "PAPUNTA KA PA LANG, PABALIK NA AKO". Commonly, naririnig natin ito sa ating mga magulang at sa mga taong nakakatanda sa atin. Sa umagang ito tinuturuan tayo ng Panginoon na MATUTONG MAKINIG sa lahat ng magbubuting payo ng ating Pastor, Lider, Magulang, Kapatid at ng mga taong nakakatanda at may malasakit sa atin. Learn How to Value ang lahat ng pangaral nila sa iyo sapagkat alam nila ang higit na makabubuti para sa iyo. Alam mo ba na sila rin ay instrumento ng Diyos upang ilayo ka sa kapahamakan. Kaya huwag mo ng hintaying mapahamak ka bago ka pa makinig. Sapagkat ang KARUNUNGAN AT ANG MABUTING PATUTUNGUHAN AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG. βΊοΈ Just a Reminder βΊοΈ God Richly Bless You π TARA SIMBA TAYO π₯°
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet