read.cash Log in
@my27lady

Isang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay, nagsakripisyo upang marating natin ang kinalalagyan natin ngayon. Mga bayani ng kahapon, kaya kalayaan tinatamasa natin ngayon. Bigyan rin natin ng parangal at pasasalamat ang mga buhay na mga bayani sa panahon natin ngayon, ang mga frontliners. Sila na may busilak na pagmamahal at pagmamalasakit para sa ating kapwa  at  bayan. Silang dugo't pawis ang puhunan upang makapaglingkod at laging inuuna ang kapakanan ng iba. Salamat sa lahat ng inyong mga pagsisikap upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga taong bayan. Bigyan nawa natin pagpapahalaga ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng pagSUNOD sa mga #health protocols na umiiral. Pwede tayong maging bayani  sa ating kanya-kanyang pamamaraan, simulan sa pag - iingat sa sarili  upang iba ay mapangalagaan din. Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!!!! #NationalHeroesDay2021 📸Photo credit:facebook

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.