Blessing in disguise. Nagkita ako ng dalawang tutubing karayom sa labas ng room ko kaninang umaga kaya I know na may blessing na paparating. Hindi nga ako nagkamali 8:30 ng umaga nang may parent na dumating di ko nakilala kasi nakafacemask. May inabot syang puting envelope pabigay raw ni Tita Melissa kapatid nya na nasa HK tulong raw ngayong brigada (yearly talaga me binibigyan kahit lumipat na ako ng iskul), parent ko sya dati noon lahat ng anak nya ay naging eskwela ko. Nagpasalamat ako ng sobra kasi nasurprise talaga ako di ko akalain na bibigyan nya ulit ako. Bandang 10:00 nakisaksak yung mga naggawa ng bubong ng handwashing area namin magwewelding daw sila ng pangbubong, pumayag naman ako. After 15mins nagshort circuit nawalan ako ng kuryente, sabi nun naggawa kailangan ko raw bumili ng bagong breaker, which is worth not more than 300, sakto yun laman ng sobre. So lucky talaga, parang pinag - adya ng pagkakataon, kundi wala me kuryente sa rooom. Gandang hapon po sa lahat, pasensya na po napahaba yata. #blessing #luckyme
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet