Manaog ka Irog Yan po ang tawag daw dyan sa tanim na yan sabi ng mga kasama ko. Totoo po ba? Actually natawa po ako nun sinabi nila na yun ang name akala ko po kasi ay joke lang, but they insisted na yun talaga ang pangalan nito. Kaya kinuhanan ko ng picture natuwa ako kasi pink, sabay hingi na rin ng suloy, madali raw namang buhayin, di kailangang diligin araw-araw, 3 times a week lang daw po. And then may red version din pala, di ako nakahingi kasi wala pa syang suloy kapag meron na sa daw saka ako bibigyan. #flowers #pink #plants Photos: My27lady
2 comments
Mas mabilis sya tumubo kapag nasa araw ba sis , o indoor lang sya
Sa kanila kasi nasa labas lang ng class room sa may balustre nila di naman sya directly nasisikatan ng araw pero may time na may sunlight sa lugar na yun, tapos yung isa hanging naman sa may kubo sa iskul, di rin naman sya tutok sa araw pero sa morning naaarawan sya, sa hanging ko rin sya nilagay, may project kasi kami na recycling kaya nakahang na namumulaklak tanim namin para gumanda sa may washing area naman yung sq akin.