read.cash Log in
@my27lady

August 17, 2023 ( Day ) LEAVE EVERYTHING TO GOD πŸ™ Mga Awit 35:12 [12]Sa gawang mabuti, ganti ay masama; nag-aabang sa akin at nagbabanta. *Dumating na ba sa buhay mo na kahit ILANG BESES KA PANG GUMAWA NG MABUTI, MASAMA PARIN ANG SA IYO'Y IGINAGANTI? kung minsan pa nga sa sampung ginawa mong mabuti sa kanila, yung isang pagkakamali mo pa rin ang kanilang nakikita. Pero sa kabila ng lahat ng ito. HUWAG KANG MALUNGKOT. HUWAG KANG SUMAMA ANG LOOB dahil may ISANG DIYOS NA NAKAKAKITA NG LAHAT NG BAGAY NA GINAGAWA MO at ganoon talaga...we cannot please people around us. Hindi man na-aappreciate ng tao sa paligid mo ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanila, may DIYOS na nakakakilala at nakakakita kung sino kang talaga. Kapatid alam mo ba na... Hindi mo kailangang makipagtalo. Hindi mo kailangang makipag-argumento. MANALANGIN KA AT IPAGPASA-DIYOS MO NA LANG ANG LAHAT πŸ™ Piliin mong maging mabuti at mamuhay ng may malinis na kalooban dahil ang Diyos ang Siyang Gaganti sa gawang masama at Magbibigay Gantimpala sa mga taong mabuti sa Kanyang Kapwa πŸ’šπŸ₯° Have a Blessed Day ☺️ God Richly Bless You πŸ˜‡

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.