read.cash Log in
@my27lady

PAGPUPUGAY SA MGA MAGSASAKA Bawat butil ng kanin na iyong sinusubo, Utang sa mga magsasakang Pilipino, Nagpakahirap magbanat ng mga buto, Upang may maihain sa hapag-kainan mo, Dugo at pawis ang kapalit nito, Di matutumbasan ng daang piso, Mabuhay ka bayaning totoo, Kahit kamay ay puro kalyo, Kahit sa putik nakabaon paa mo, Patuloy bumabangon, lumalaban sa mundo, Nanatiling matibay, di sumusuko, Anumang problema, kinakaya mo, Kahit halos tapakan na pagkatao mo, Basta't tiyak na masustansya ang mga halamang punla mo, Upang maging malusog sambayanang Pilipino, Kaya sa lahat ng mga magsasaka... SALUDO po ako sa inyo!!!! -@My27lady- Image: taken from fb post

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.