read.cash Log in
@my27lady

July 10, 2023 (Day) ANG PAGPALO AY ISANG PAGTUTURO 🙏 Mga Gawa 27:21-22 [21]Dahil matagal nang hindi kumakain ang mga nasa barko, tumayo si Pablo at nagsalita, “Mga kasama, kung nakinig lamang kayo sa akin at di tayo umalis sa Creta, hindi sana natin inabot ang ganito. [22]Ito ngayon ang payo ko, lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mamamatay isa man sa inyo! Kaya nga lamang, mawawasak ang barko. *Kapag pinalo ka, ibig sabihin mahal ka. Kapag pinapalo ka ibig sabihin pinapanuto ka. Sa kuwentong ito, makikita natin na hindi nakinig ang mga tao kay Pablo. Kaya sinapit nila ang ganito. Sa buhay natin mabuti na tayo ay may Pakikinig sa mga taong nagmamahal sa atin. Kung hindi ka nakinig noon at maaring ang tainga mo'y sarado pa sa ngayon Kung sa pakiramdam mo'y tila sinusubok ka ng panahon. Maaaring may itinuturo sa iyo ang bawat sitwasyon. Kapatid, Hindi ka pinarurusahan. PINALO AT PINAPALO KA DAHIL... -MAHAL KA. -NAIS NG DIYOS NA GISINGIN KA AT -NAIS NG DIYOS NA MATUTO KA. There are times na kailangan may masira at kunin ang Diyos, may mga panahon na kailangang maganap at mangyari sa buhay mo ang isang bagay para makuha ni Lord ang atensyon mo, HINDI PARA SA IKAPAPAHAMAK MO KUNDI PARA SA IKABUBUTI MO. Kapatid, Mahal ka ng Diyos 💚 Good Morning 😊 and God Bless 😇

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.