read.cash Log in
@my27lady more from that month

Mga momshies ganito na po ba ang inyong mga anak dahil sa pagmomodule? May katabi po ba kayong patpat or tsinelas habang nagtuturo? Yung halos lumuwa na ang mata at labas ang litid kapag nagtuturo sa kanilang mga anakshies.... Sinong relate? Tunay naman ngang nakakapanibago ang ganitong sitwasyon natin, kahit na padalawang taon na natin ito. Mapalad ang mga batang kahit ganito ang mga nagtuturo nandun ang kagustuhan ng mga magulang na matuto ang kanilang mga anak sa kahit na paanong paraan na alam nila. Maraming mga magulang at mga bata ang nagnanais na muling bumalik sa face to face na paraan ng pag-aaral ngunit may ilan din naman na ayaw pa dahil sa present condition natin na may virus pa. Konting tiis na lang po, inihahanda na po ang muling pagbabalik ng mga bata sa mga paaralan, mga 2 to 3 years pa po siguro (matagal pa pala, kaya pa ba? - para sa mga bata, KAYA at KAKAYANIN PA!) at kung papalarin sana sa sunod na panuruan ay may face to face na kahit limited lamang. Image from fb: napasmile ako ng mabrowse ko to...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.