April 17, 2023 (Day) GOD CAN DO ALL THINGS 🔥 Lucas 18:27 [27]“Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus. *Napapagod ka na bang kumilos at gumawa ng naayon sa iyong sariling Kakayanan at Kaparaanan? May time sa buhay natin na kung minsan hindi tayo ng Diyos pinapakialaman kasi alam Niya na Kaya pa nating gawaan ng paraan. Kapatid, kung ginawa mo naman ang lahat pero pakiramdam mo na parang wala paring nangyayari. It's Time Para Isuko ito sa Diyos. Bilang tao mayroon tayong mga naisin at hangarin na Hindi natin kayang Gawin. May mga bagay tayo na Plinaplano subalit hindi naman natin kontrolado. But This Verse reminding Us, NA KUNG HINDI MO NA KAYA IT'S TIME PARA ANG DIYOS NA ANG KUMILOS AT GUMAWA. Lagi nating Tatandaan, GOD IS IN CONTROL and His Thoughts are Deeper than our thoughts and His Ways are Higher than our ways. Bilang tao mayroon tayong limitasyon Subalit lahat ng Bagay ay Kayang Gawin ng Panginoon 🙏 Huwag kang Mapagod Maniwala at Magtiwala sa Diyos na kayang gumawa ng Himala. Sapagkat Yung bagay na IMPOSIBLE SAYO, POSIBLE SA DIYOS 🔥 Have a Blessed Day 😇 God Bless You 😇
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet